Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz,kasal na!

I THINK TAON namin ang 2011. At ang sabi nila, “Claim it!” Kaya eto, kine-claim namin. Let’s welcome positivity!
Sabihin n’yo nang ilusyon lang ‘yong sinasabi namin. At least, kahit ilusyon, ang sarap pa rin sa pakiramdam at masarap pa ring isipin, ‘di ba?
Eh, ‘pag sumasapit ang New Year, birthday na namin ng January 2, kaya sasamantalahin na namin ang aming ilusyon. He-he-he-he.
Sa lahat ng naging bahagi ng aming nakaraan, mapait man ito o shocking, keri lang. Bahagi ‘yan ng buhay habang ikaw ay nabubuhay. At sa mga darating pa, sana, Lord, ‘yung kaya ko lang nang bonggang-bongga, ha?
At sa mga darating na good vibes, positive things, ma-fulfill ang dreams namin, mangyari ‘yung ipinagdarasal namin, ay… kaya ko ‘yan, kukunin ko ‘yan, promise! Akin ‘yan!
‘Yan ang attitude namin ngayon sa buhay.

We know for a fact that we can’t please everybody. And we cannot please all situations in life. Dapat lang, bongga ang acceptance mo sa mga pangyayari.
O, basta. Happy birthday to me. Sana, kahit 40 more years to come, ayos na sa amin ‘yon. I will claim it! Salamat,Panginoon, sa lahat ng biyaya!

MAY NAGTSIKA SA amin na nu’ng Dec. 25 ay ikinasal na sina Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz sa Vancouver, Canada.
Ito ay nilinaw ng E-Live sa kanila. Ayon kay Lara, engagement lang ang nangyari.
Ah, gano’n ba? ‘Eto, meron naman kaming isang source. Hayaan nating i-quote siya, ha?
“Actually, ang kanilang kasal ay nu’ng January 1 pala. Secret wedding talaga, nagpa-reserve sila sa Opus Hotel Vancouver under the name ng Tita ni Lara, si Tita Lulu.

Ang wedding ay ginanap sa Opus 1 at ang reception ay sa Opus 2… only 20 guest were allowed, ayaw pa nga nilang maglagay sa lobby ng name para for the direction ng guest kung saan pupunta.
Pero naglagay din sila ng sign ng M and L wedding. Ang start ng wedding I think 4 to 6 pm. Naka-reserve under the name of Lourdes Tensuan sa hotel.”

Ibinigay pa sa amin ang phone numbers ng hotel kung gusto raw naming i-verify. Pero totoo man ito o hindi, ang alam namin, nasa Vancouver ang dalawa.
At kung kasalan man ang naganap doon, congrats and best wishes! Ang next question ngayon: buntis na ba si Lara?

NAALIW NAMAN KAMI sa mga fans and supporters nina Ann Li at James Reid, sila ‘yung tinatawag na JamLi Poppers na ang karamihan ay taga-ibang bansa at may kaya, huh!
Inimbita nila kami thru our friend Long at nasaksihan namin kung gaano sila kamahal ng mga JamLi Poppers, dahil sila mismo ang nag-ambag-ambag para lang mai-celebrate ang kani-lang Christmas party with their idols.
Sina JamLi ay produkto ng PBB Teen Clash at ang pinaka nakauungos among their batch ay si Ryan Bang samantalang si James ang Grand winner.

Anyway, wish nila ay maisama ang JamLi loveteam sa isang teleserye at sana raw ay maipaabot namin ang kanilang “hinaing” sa ABS-CBN.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

2 thoughts on “Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz,kasal na!

  1. hindi kaya masyadong maaga ito para s akanilang relasyon na iilang buwan palang since naging sila,,???aber!!true man o hindi,,,well sih u luck nalang,,sana hidni mapunta sa wala ang kasal na iyan,,diba,,bagay sila ,,,i think,naging gud influence si lara kay marco,,pareho silang simple at tahinik na tao,,,wish u all the besrt,,lara is a christian at into god sya so,,im sure,,COUPLE FOR GOD na sila at kapag nasa dyos ka naman lahat matatag sayo,,,yun na!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.