Precious Lara Quigaman,’di makabalik sa Wowowee dahil kay Marco Alcaraz? By Pilar Mateo

AYAYAY!: “MAY BRA ka ba?” Ito raw ang bungad na tanong ni Former Pres. Erap Estrada sa kanyang leading lady na si Ai-Ai delas Alas sa set ng kanilang pelikulang pinagtatambalan under Star Cinema sa isang bahay sa San Juan.

Sinalubong kasi ni Ai-Ai ang pagdating ng kanyang leading man at biniro ito sa nakalitaw niyang cleavage sa suot na duster. Kaya nga, masayang-masaya na agad ang buong araw ng shoot ni Direk Wenn Deramas.

Ipinaghanda pa ni Ai-Ai ng paboritong kare-kare at kaldereta si Erap. At may pasalubong naman na Neutrogena make-up remover sa kanya si Erap.

Hindi raw nagtatanong ang Comedy Concert Queen sa Papa Erap niya ng mga bagay na may kinalaman sa pulitika dahil mas personal ang mga tanong na inuurirat niya rito. Naumpisahan na nga raw ni Ai-Ai na tanungin si Papa Erap niya kung sino sa mga babaeng naging malapit sa puso nito ang pinakamabait, ang pinakamalambing, ang pinakaseksi at pinakaminahal niya.

“Unti-unti. Para mas marami kaming pinag-uusapan offcam. Nagulat nga kami sa kanya kasi ang call time niya eh, 11 ng umaga, dumating ng 10 a.m. E, tamang-tama na bino-blower na lang ang buhok ko. Sabi ko pa naman sa kanya, ang aga kong dumating. Sabi ba naman sa akin, late siguro ako kaya noon pa lang ako nagpapa-make-up. Kasi siya, ready’ng ready nang sumalang sa harap ng camera.”

GO, GROW and GLOW (in love)!: MAHIGIT dalawang taon na nga raw na magkaibigan ang turingan nina Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz. At ang naging daan daw sa pagsisimula ng pagkakaibgan na ‘yon ay si Valerie Concepcion, noong naghu-host pa si Lara sa Wowowee at naging guest naman ang binata.

Kelan lang, nabalita nang babalik na sa programa ni Willie Revillame ang dalaga. Nang makausap namin si Lara sa isang event ng Bear Brand sa San Joaquin Elementary School sa Pasig, sinabi niyang mukhang hindi na naman muna matutuloy uli ang pagpasok niya sa Wowowee. Ang sinabi raw na rason sa kanila eh, ang kakulangan ng budget. Pero may mga nagsasabing hindi na naman nagustuhan ng host nito ang balitang nagli-link sa kanya kay Marco.

Bago pa ito, pinalabas ng ibang mga tao na si Lara ang naging dahilan kung bakit naghiwalay si Willie at ang current girl friend nitong nagngangalang Nadine. Kinumpirma naman ni Lara na sa Friendster account niya, eh, nagsunud-sunod ang pagtanggap niya ng mga negatibong messages hinggil sa nasabing isyu.

Inulit ni Lara na bilang isang nakatatandang Kuya lang ang tingin niya kay Willie. At hindi naman daw siya papasok sa isang bagay o trabaho dahil lang sa gusto siya ng kanyang makakatrabaho.

Wala ring pangyayaring binasted niya si Willie dahil hindi naman daw ito nanligaw sa kanya. At imposible rin daw itong mangyari ngayon dahil nga sa Kuya lang talaga ang tingin niya sa komedyano’ng host.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

11 thoughts on “Precious Lara Quigaman,’di makabalik sa Wowowee dahil kay Marco Alcaraz? By Pilar Mateo

  1. [QUOTE=tv_enthusiast;37209744]korek. i agree! kaya sobrang seldom ako nanonood ng wowowee, depende lang sa guests…

    wala man lang modo, ipapahiya sa national TV (pati sa TFC) yung mga staff na nagkakamali. Tao lang po sila…. papagalitan pa on-air, pwede namang mag-antay na mag-off the air. hindi yung pinapakita niya yung angas niya sa TV. hindi maganda….

    pag naghirap to (which is matatagalan pa sa sobrang dami niyang pera, at nakamkam na ad income for HIS show wowowee), justice has been served.[/QUOTE]

    [B]- Yung PERA ba naman na ibinigay nya kay (i forgot the name) kanina binanggit pa nya on-air tapos galit nya na pinamukha sa tao na sa sarili nyang bulsa galing yung PERA at dapat daw matutong magpasalamat… eh muka naman na hindi talaga alam ng tao kung saan galing so pano nga sya magpapasalamat ng matino and she said naman na lagi daw sya nagpapasalamat…

    -Pati ba naman yung live coverage pinag-initan, pati mga names ng mga executives binanggit on-air… Ganon ba talaga sya ka-powerful at kaya nya gawin laha??? Kahit naman kase lahat mapapansin yung pagkairita nya sa mga delays at cuts ng SHOW nya kanina…

    [/B]

  2. hiwalay na ba tong magdyowa na to? buti naman natauhan na yung girly noh! yabang kc nitong host na toh, di dw nya kelangan ng pera? dba kaya xa host sa wowowwee dhl binabayaran sya dba?

  3. yuck kasi tong si willie, feeling! have you watch wowowee? di raw nya kailangan ng pera. such a boastful person!

Leave a Reply

Your email address will not be published.