PRE-NUPTIAL VIDEO NI MAGGIE WILSON, PINAG-UUSAPAN SA INTERNET

Naipadala sa amin ang link ng diumano’y pre-nuptial video ni Maggie Wilson kasama ang kanyang fiancée na si Victor Consunji, isang construction magnate. Very sensual and provocative ang dating ng ipinagawang video ng dalawa. Marami ang nagsasabing makakasira ito sa beauty queen image ng dating Miss International candidate.Wala naman tayong karapatan na pigilan ang groom and bride to be sa kanilang wedding video dahil labas na tayo sa kanilang private life bilang magnobyo. Nakatakdang ikasal ang dalawa bago mag-Pasko. Napapanood ngayon si Maggie Wilson sa programang Beauty Queen bilang kontrabida kay Iza Calzado.

IYA VILLANIA, BIGLANG DUMAMI ANG RAKET SA DOS!

Matapos mapabalitang babalik ito sa Kapuso network, muling pumirma ng exclusive contract si Iya Villania sa ABS-CBN. Muntikan na talagang lumipat si Iya sa orihinal nitong istasyon dahil sa kakulangan ng raket at tila napapabayaan na siya ng Dos. Sa katunayan nga, magtatambal sana sila ng dyowang si Drew Arellano para sa isang reality-based artista show, pero hindi na ito tuloy. Bilang pambawi, makakapares na ngayon ni Iya Villania si Jericho Rosales bilang host ng programang I Dare You.

Mukhang effective ang balitang paglalayas ni Iya sa istasyong nagpasikat sa kanya, huh? Ibig sabihin, mahal talaga siya ng Kapamilya network – napabayaan lang.

PAGLI-LINK KINA SID LUCERO AT CARLA ABELLANA, KATAWA-TAWA

Hindi namin napigilang humalakhak nang bonggang-bongga nang marinig namin ang isa sa mga bagong tsikang lumalabas ngayon – nagkakamabutihan daw sina Sid Lucero at Carla Abellana sa set ng Shake Rattle and Roll 12. Very much in love si Sid sa kanyang longtime non-showbiz girlfriend at kamakailan lang inamin ni Carla Abellana na sila na nga ng dating ka-loveteam na si Geoff Eigenmann sa totoong buhay.

Halatang ginagawan ng isyu ang dalawa para ma-promote ang kanilang horror movie. Isa pa, ang awkward naman ng tsikang ito dahil magpinsan sina Sid at Geoff sa totoong buhay.

BODIE CRUZ AT CHARIZ SOLOMON, HAYOP NA HAYOP ANG DATING!

May bagong palabas ngayon sa QTV-11. Ito ay ang Hayop ATBP, isang animal-friendly show kung saan maraming matututunan ang mga animal lovers sa paraang magaan at nakakatuwa. Sina ex-Pinoy Big Brother Season II housemate Bodie Cruz at Starstruck avenger Chariz Solomon ang nakatokang magpakuwela kasama ang mga iba’t ibang hayop sa bagong palabas. Hindi man nanalo ang dalawa sa kani-kanilang reality-based show na nilabasan, winner naman sila pagdating sa hosting stints.

Malaking bagay rin na pagkatiwalaan kang mag-host ng isang educational TV show. Hayop na hayop!

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ShowTwitz

About the Author

has written 67 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.