Praning na adik, binaril ang kapwa adik

ISANG LALAKI NA umano’y isang adik ang binaril at napatay ng kapwa adik nang walang paalam na pumasok ang una sa loob ng inuupahang kuwarto ng suspek sa pag-aakalang may gagawing masama ang biktima kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Si William Bobadilla, 36, welder, may-asawa at residenteng # 116 Sampaguita St., Oval Maligaya Park, Brgy. 177 ng nabanggit na lungsod ay namatay sanhi ng isang tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa kaliwang bahagi ng ulo.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga elemento ng Caloocan PNP ang suspek na nakilalang si Ricardo F. Dela Cruz, ng # 1320 C. P. Garcia St., Moriones, Tondo, Manila.

Base sa report ni PO3 Allan Budios may hawak ng kaso, dakong alas-9:00 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng inuupahang kuwarto ng suspek sa Maligaya Park Land, Brgy. 177.

Nabatid, ang biktimna na nasa impluwensiya umano ng droga ay walang paalam na pumasok sa loob ng kuwarto ni Dela Cruz.

Sa puntong ito ang suspek na bangag din sa droga ay walang sabi sabing binaril sa ulo ang biktima sa pag-aakalang may gagawing masama sa kanya ang biktima.

Ang suspek ay mabilis na tumakas sa hindi malamang direksiyon dala-dala ang ginamit na baril sa krimen at iniwang walang buhay ang biktima.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.