Prangkisa ng mga bus sa Metro Manila, pinakakansela

HINILING NI CALOOCAN City Vice Mayor at Vice Mayors’ League of the Philippines-NCR President Egay Erice na kanselahin ang prangkisa ng mga bus na nakiisa sa ginawang pananabotahe ng mga ito sa gobyerno sa pamamagitan ng pagsali sa protesta noong Lunes.

Ang kahilingang ito ni Erice sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ay bunsod ng ginawang pagsali sa protesta ng mga bus companies noong Lunes dahil sa pinaiiral na number coding sa kahabaan ng EDSA ng Metro Manila Development Authority.

Ayon kay Erice, kailangang sumunod ang lahat sa mga pagbabagong gustong gawin ng gobyerno dahil isa ito sa naiisip na paraan upang maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Kasama rin sa mungkahi ni Erice na kinakailangang maglagay ng integrated bus terminals sa north at south ang mga bus na bumibiyahe sa probinsiya nang sa gayon ay hindi na nakikipagsiksikan ang mga ito sa kahabaan ng EDSA at sa iba pang kalsada sa Metro Manila.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.