Prangkisa ng Bus na Nakabundol ng Estudyante, Suspendido

NAGLABAS NA ng 30 araw na preventive suspension ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa kumpanya ng tourist bus na nakaaksidente ng mga estudyante ng Holy Spirit Academy sa isang field trip sa Tanay, Rizal noong Biyernes kung saan isa ang nasawi.

Sinabi ni LTFRB Chairman Jaime Jacob na suspendido ang 11 unit ng Medelina Bus na kasama sa prangkisa ng bus na nakapatay sa 14-anyos na si Rio Bianca Ramirez at ikinasugat ni Pamela Enriquez.

Ayon naman kay LTFRB Spokesperson Jiggy Reyes, dadalhin anumang oras ngayon sa opisina ng Medelina Bus ang suspension order at magiging epektibo agad.

Samantala, bahagi ng suspensyon ang pagbabaklas sa plaka ng mga bus, pagsasailalim sa drug test ng mga drayber nito at pagsusuri sa road worthiness ng mga unit.

Itinakda naman ang hearing sa kaso sa Marso 5, alas-9:00 ng umaga.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.