Pokwang, pinakapangit sa mundo ng showbiz!

OLA CHIKKA! ILANG araw na rin ang nagdaan nang makarating sa akin ang balitang napasama raw ako sa listahan ng pinakapangit na celebrity sa Pilipinas. Well, kung tatanungin n’yo kung pang ilan ang lola n’yo? Nasa 14th place lang naman.

May nag-text kasi sa akin na napanood daw niya sa Juicy ng TV5 ang Top 20 Ugliest Celebrities in the Philippines courtesy of Shalala na nakuha lamang nila sa YouTube, kaya wala silang kinalaman sa resulta.

Kaya para sa kapakanan ng mga mambabasa, narito ang kinalabasan ng survey na kanilang inilahad. Top 20 si Jerome Sala, sinundan nina Franzen Fajardo, Bugoy Drilon, Rosita of PDA, Manny Pacquiao, Madam Auring, ang iyong yours truly Tita Swarding, sinundan nina Empoy, Bella Flores, Elizabeth Ramsey, Bentong, Kiray, Mahal, Dagul, Tado, Nel Rapiz of PBB, Diego, Allan K., Chokoleit at, at sa number one naman ay si Pokwang.

Sige nga sabihin n’yo nga kung kapani-paniwala ‘yang survey na yan? Tanggapin natin na mula raw ito umano sa YouTube at wala silang kinalaman dito, ngunit bakit kailangan pa nilang ilabas kung hindi naman reliable and credible ang resulta?

Ano ito, katuwaan lamang? Kung katuwaan lamang iyan, sana ay nagbigay man lamang sila ng respeto sa mga nakatatanda at respetadong komedyante tulad nina Bella Flores at Elizabeth Ramsey, na hindi na rin naman visible masyado ngayon sa showbiz.

Kung makatotohanan iyang survey, bakit wala ang pangalan ni Melai Cantiveros at ng mga Juicy hosts na sila Shalala, Cristy Fermin at halos lahat sila na puro pangit din? Iilan lang sa kanila ang may hitsura.

Bakit si Pokwang ang nasa number 1? Dahil ba sa galit sa kanya ang mga hosts ng show at inirarason pang dahil sa ugali niya kaya nakuha niya ang first placer?

Dapat pala kung ganu’n eh, itong si Cristy Fermin ang nanalo. Ha-ha! Wooshoo!! If I know pakana n’yo lang ‘yan para makaganti. Unfair!!

Ang ikinaiinis ko ay bakit nasa 14th place lamang ako?! Hindi ako deserving sa ganyang rank dahil ang dapat, 1st placer ako! Para sikat! Pak! Ha-ha!

MAKAINOM NGA NG REH Herbal Food Supplement upang gumanda-ganda naman ako at maging mas masigla. Naalala ko tuloy itong matalik kong kaibigan na si Ka Rey Herrera na gumawa ng REH Herbal Food Supplement at ipinakilala ang kanyang produkto sa publiko noong year 2000 matapos niyang gumaling sa sakit na cancer, high blood at diabetes sa tulong ng kanyang invention na REH Herbal Food Supplement.

Ito ay gawa sa 77 herbs, gulay at prutas. Ito ay sumailalim sa laboratory upang matiyak na ligtas at tiyak na nakagagaling. Ginawa itong food supplement para sa mga bata at mga taong hirap lumunok ng tableta at sinadyang walang flavor para

manatili ang natural na bisa.

Ito ay nakatutulong sa mga taong naghihirap sa sakit na diabetes, arthritis, high blood, heart and kidney failure at iba pang mga sakit. Ang REH HERBAL Products ay hindi gamot upang tuluyang lunasan ang mga nasabing sakit, ngunit ito

ay food supplement na makatutulong upang palakasin ang ating immune system at makatulong na ilayo tayo sa anumang sakit.

Mayroon silang dealers at distributors nationwide maging sa United States of America, Australia, Sweden, and Japan. At para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa kanilang produkto at mga testimonyang magpapatunay sa bisa nito ay

mag log-on lamang sa www.kingsherbalnikarey.com.ph. Kami ay naniniwala sa ligtas at epektibong pamamaraan ng paggamot dahil “Walang gamot sa kamatayan, may lunas ang karamdaman.”

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino itong young actor na mula sa isang artista search na nasisilayan ng aking mga parazzi girls sa isang gay bar kasama ang ilang mga artistang hot na hot ngunit mukhang sa inside ay girl na girl?

Tama!! Mga pamintang nagtatago sa likod ng kanilang hotness at yumminess… sayang at ang dami pa namang nagkakandarapa sa kanya, ngunit badingerzy rin pala!

Sige panoorin n’yo ang kanyang bagong palabas at tingnan kung pumipilantik ang kanyang mga daliri. ‘Yun na! Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleErich, Andi at Empress: Mga Prinsesa ng Teleserye
Next articleDiether, apektado sa pagpapakasal nina Kristine at Oyo?!

No posts to display