PPCRV, Tutol sa Pagpapatigil sa Transparency Server

TUTOL ANG Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na ipatigil ang paglalabas ng datos ng transparency server kapag nagpoproklama na ng mga nanalong senador.

Ayon kay Ambassador Tita De Villa, nababahala sila sa desisyon ng Comelec lalo’t 76.40% pa lang ng mga boto ang pumapasok.

Aniya, malaki pa rin ang epekto ng nalalabing 23.86% sa magiging ranking ng mga senador.

Ang transparency server ang ginagamit ng PPCRV, KBP at ilang media network sa paglalabas ng bilang ng mga boto.

Ang mga datos na natatanggap ng transparency server ay direktang natatanggap mula sa mga precinct count optical scan (PCOS) kaya mas mabilis ito kumpara sa canvassing ng Comelec na dumadaan sa ladderized system.

Sa ladderized system, dumadaan muna ito sa municipal at provincial level bago umakyat sa National Board of Canvassers (NBOC) ang detalye.

Samantala, pinagpapaliwanag din ng PPCRV at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang Comelec sa mabagal na transmission, gayundin sa umano’y pagmamanipula ng isang Smartmatic personnel sa resulta ng eleksyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.