PPCRV, Pinatututukan sa DILG ang mga Pasaway sa 2013 Polls

KASALUKUYANG PINAPATUTUKAN ng Parish Pastoral Council for Res-ponsible Voting (PPCRV) kay Interior Local Government Sec. Mar Roxas ang mga pasaway na barangay opisyal para sa 2013 midterm elections.

Sinabi ni PPCRV chief Ambassador Henrietta de Villa na isang malaking hamon kay Roxas kung paano magiging maayos, malinis at mapayapa ang halalan sa susunod na taon.

Ang pasaway na mga opisyal ng barangay ang madalas sumusuway sa

mga alituntunin ng Commission on Elections (Comelec) sa araw mismo ng eleksyon, giit ng PPCRV.

Malaking hamon sa opisyal ang kanyang pagiging non-partisan sa darating na eleksiyon lalo pa’t alam naman ng mga mamamayan na kalihim siya ng Liberal Party, ani Amb. de Villa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.