PPCRV, dumistansya sa posisyon ng kanilang lider

DUMISTANSYA ANG Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa pahayag ng kanilang chairperson na si Henrietta De Villa ukol sa usapin ng “Team Patay at Team Buhay” posters sa mga simbahan.

Maaalala na sinabi ni De Villa na malaya ang simbahan na maglagay ng mga kahalintulad na poster dahil sa freedom of expression at idinagdag pa nito na walang nalalabag na batas ang Diocese of Bacolod, bagay na salungat naman sa posisyon ng Comelec.

Sinabi ni Marina Demeterio, corporate secretary ng PPCRV na pansariling pananaw lamang ito ng kanilang lider at hindi rito kasama ang organisasyon.

Una nang nagbabala ang Comelec na maaaring maalis ang citizens arm kung kakikitaan ito ng pagiging bias sa mga usaping may kaugnayan sa eleksyon.

Samantala, para naman kay Damaso Magbual, membership committee chairman ng National Movement for Free Elections (Namfrel), mahirap ihiwalay sa PPCRV ang pahayag ng mismong lider nito at posibleng magbigay ng kalituhan sa publiko kung ano talaga ang posisyon ng nasabing grupo sa isyu ng illegal campaign poster.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.