Power producers at konsyumer, nagharap sa SC

NAGHARAP SA Supreme Court (SC) kahapon ang mga kinatawan ng power producers at mga konsyumer hinggil sa pinigil na dagdag-singil sa kuryente.

Sa panig ng mga konsyumer, dumalo sina Bayan Muna Representatives Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate; Gabriela Rep. Luz Ilagan at Emmi De Jesus; ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at Kabataan Rep. Terry Ridon.

Sila ang unang naglatag ng argumento para ibasura ang mahigit P4 kada kilowatthour (kWh) na dagdag-singil ng Meralco.

Sunod na nagpahayag ng posisyon ang mga kinatawan ng Meralco para tanggalin na ang 60-araw na temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court (SC) sa power rate hike.

Ipinaliwanag naman ng pamunuan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pag-apruba sa dagdag-singil.

Samantala, sinabayan naman ng protesta ang oral arguments sa harap ng Korte Suprema.

Ayon kay Bayan Sec. Gen. Renato Reyes na may ilang raliyista na roon na nagpalipas ng magdamag para abangan ang aniya’y makasaysayang oral arguments.

Tinawag ng mga militanteng grupo ang kanilang pagkilos na Blackout Protest.

Hangad naman ng mga nagsagawa ng kilos-protesta na sana ay tuluyan nang ibasura ng Korte ang nakaambang P4.00 na taas- singil sa bawat kilowatthour.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.