Power Distributors sa Mindanao, Pauutangin

NILINAW NG pamahalaan na pauutangin nila ang mga private power distributor sa Mindanao para makapagrenta ng mga generator.

Ayon kay Mindanao Development Authority (MinDa) chaiperson Luwalhati Antonino, ito ang nakikita nilang short-term solution sa power shortage sa Mindanao lalo sa panahon ng eleksyon.

Sinabi ni Antonino na kumpiyansa naman silang walang malalabag na batas dahil pautang naman ito at babayaran ng mga power distributor.

Samantala, aminado rin si Antonino na walang negosyanteng kumakagat sa paggamit ng power barges o mga generator dahil hindi binibili ng mga consumer bunsod ng mas mataas na singilin.

Kaya nagdesisyon daw ang Pangulo na pautangin na lamang ang mga power distributor na may mababang interes, walang kontrata at maaaring ibalik ang mga generator kung tapos na ang mga bagong power plant.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.