Poultry products ng Tsina, bawal sa ‘Pinas

NAGPATUPAD NG ban ang bansa sa pag-import ng mga poultry products mula Tsina.

Ito ay kasunod ng outbreak ng H5N2 strain ng bird flu virus sa lalawigan ng Hebei sa nasabing bansa.

Sinabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na saklaw ng naturang ban ang lahat na domestic at wild birds maging ang itlog at semen sa mga poultry na mula sa Tsina.

Nagpatupad ng ban ang Department of Agriculture matapos na makatanggap ng abiso mula sa China Animal Disease Control tungkol sa bird flu outbreak.

Napag-alaman na higit 100,000 birds ang pinatay sa Hebei dahil sa H5N2 outbreak.

Inihayag ng Department of Agriculture na pansamantala lang ang nabanggit na ban bagama’t hindi pa malinaw kung kailan ito babawiin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.