Poultry meat products ng Taiwan, bawal sa ‘Pinas

NAGLABAS NA si Department of Agriculture Secretary Proceso J. Alcala ng temporary ban sa pag-aangkat ng poultry meat products mula sa bansang Taiwan.

Inilabas ang nasabing ban matapos ireport ni Dr. Ping-Cheng Yang, Director of the Animal Technology Institute ng Taiwan sa Office of International Des Epizooties (OIE) na mayroong outbreak ng Low Pathogenic Avian Influenza (LPAI) sa Yuli, Hua-lien sa Chinese Taipei.

Base sa report, kinumpirma ng National Laboratory of Animal Health Research Institute kamakailan sa pamamagitan ng virological and pathologenicity tests na ang karneng manok mula sa Taipei ay nahawaan ng H5N3 virus, isang subtype ng Influenza A o bird flu virus.

Ipinag-utos ni Alcala ang agarang pagpapatigil sa pagpoproseso, evaluation ng application, at pamimigay ng Veterinary Quarantine Clearance (VQS/SPS) sa importasyon ng poultry meat products, domestic at wild birds, day old chicks, at eggs and semen para na rin maprotektahanang kalusugan ng populasyon ng manukan sa bansa.

Samantala, idinagdag pa ng ahensiya na ang lahat ng veterinary quarantine/inspectors sa lahat ng port ay inaatasang pigilin ang lahat ng poultry meat shipments mula sa Chinese Taipei.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.