Poste ng Kuryente, Binangga ng Motorsiklo; 1 Patay, 1 Kritikal

PATAY ANG isang motorcycle rider habang kritikal ang angkas nitong kapatid matapos na bumangga sa poste at sumabit pa sa tinatanggal na kawad ng kuryente sa kahabaan ng A. Bonifacio, Balintawak, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Wala nang buhay ang motorcycle rider na si Geoffrey Gutierrez at bali-bali na rin ang mga buto nito nang abutan ng mga rumesponde.

Nakapulupot din sa katawan nito at sa poste ang isang mahabang kawad ng kuryente ngunit putol na ito.

Naitakbo naman sa Chinese General Hospital ang kapatid nito na kritikal pa rin ang kundisyon.

Nabatid na nagpuputol ang isang kumpanya ng kuryente ng ilegal na koneksyon nang duma-ting ang humaharurot na motorsiklo.

Samantala, hindi umano nito pinansin ang inilagay na warning signal bukod pa sa madilim din sa nasabing lugar.

Sa ngayon, hindi naman kumbinsido ang commander ng traffic sector sa warning device dahil hindi umano ito sapat para mabigyan ng babala ang mga motorista.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.