Post-Election Scenario, Tinututukan ng AFP at PNP

TINUTUTUKAN NG militar at mga awtoridad ang mga post-election scenario at tulad ng dati, tutulong sila sa PNP sa pagtiyak sa kapayapaan ngayong panahon na ng bilangan.

Ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Domingo, ang lahat ng military units sa buong bansa ay nananatili pa ring nakaalerto at mariing nakatutok sa mga isinasagawang canvassing.

Sinabi ni Tutaan na nakagiya na sila sa mga post-election incidents partikular sa mga lugar na nagkaroon ng election-related violent incidents sa araw ng botohan.

Giit naman ng heneral na wala umanong dahilan na sila’y mag-relax kahit tapos na ang eleksyon gayung malaki pa rin naman ang kanilang responsibilidad upang mapanatili ang peace order sa mga lugar.

Samantala, binigyang-diin din ni Tutaan na kritikal pa rin ang mga panahon ng canvasssing at dapat lang aniyang magpatuloy ang kanilang pagiging alerto, hanggang sa matapos na ang bilangan at mayroon nang maiproklama.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.