Posisyon vs Cha-Cha; PNoy, Malabong Magbago

NANANATILI RAW ang posisyon ng Pangulong Noynoy Aquino III laban sa Charter change o planong pag-amyenda sa Saligang Batas.

Maaalala na ilang kongresista ang nagpapalutang sa pagbuhay muli ng Cha-cha sa pagbubukas ng 16th Congress sa darating na July 22.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, walang pagbabago sa paniwala ng Pangulo na hindi pa kaila-ngan ang Cha-cha.

Sinabi ni Valte na hindi pa rin nakukumbinsi ang Pangulong Aquino na kailangan na ang Cha-cha para mapalago ang ekonomiya ng bansa.

Samantala, kabilang sa isinusulong ng mga Cha-cha proponents ang pag-amyenda sa economic provisions para ma-accommodate lalo ang pagpasok ng mga foreign investors.

“Wala pa po, eh. Wala pa naman pong nagiging pagbabago roon sa posisyon ng ating Pangulo, lalo na ho riyan sa Charter change, sa usapin ng Charter change,” ani Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.