Posibleng Ni-rape Bago Pinatay: Nabubulok na Bangkay ng Bebot, Natagpuan

NAAAGNAS NA nang matagpuan ang bangkay ng isang babae na pinaniniwalaang hinalay bago pinatay, nakatali at inilagay sa loob ng sako sa Barangay Agbaeogo, Makato, Aklan.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Aklan PNP isang mangangahoy ang nakakakita sa naturang bangkay na nakalibing sa kakahuyang bahagi ng Brgy. Agbaeogo na agad naman nitong ipinag-bigay alam sa mga kinauukulan.

Nakilala ang nasabing biktima na si Leah Lee Cipriano, 26-anyos, residente ng Brgy. Estancia na positibong kinilala ng mismong ina nito.

Base sa imbestigasyon na noong buwan ng Mayo pa nawawala ang biktima at natagpuan na lamang itong nabubulok na ang katawan.

Sinabi ng mga awtoridad na pinaniniwalaang pinagsamantalahan muna ang biktima bago ito pinatay.

Lumalabas naman sa deskripsyon na tinalian ang leeg ng biktima hanggang sa kanyang baywang, dalawang kamay at paa.

Narekober din sa hukay ang brown na bag ng biktima na may lamang pregnancy test kit at gamot na pampalaglag.

Ayon naman sa kapatid ng biktima na si Shiela Cipriano mayroonng dalang pera ang kanyang kapatid na nagkakahalaga ng P200,000 nang mawala ito.

Samantala, isinailalim na sa autopsy ang bangkay ng biktima upang matukoy kung ginahasa ito bago patayin.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng Aklan PNP hinggil sa kaso upang matukoy ang mga suspek sa naturang krimen.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.