Posibleng ginahasa bago pinatay Naaagnas na Bangkay ng 14-Anyos, Natagpuan

NATAGPUAN ANG naa-agnas ng bangkay ng 14-anyos na dalagitang pinaghihinalaang ginahasa bago pinatay sa bayan ng Rosales, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Vangeline Martin, residente rin ng nasabing lugar.

Base sa ualt ng mga kinauukulan, natagpuan ng isang Amando Nograles, isang magsasaka, ang katawan ng biktima malapit sa sinasakang bukid.

Nangingitim at inuuod na ang katawan ng biktimang nakasuot ng kulay violet na damit ngunit wala nang suot na pang-ibaba.

Positibo itong kinilala ng mga magulang dahil sa suot na damit, bracelet, singsing at tsinelas.

Huling nakita ang nasabing biktima noong Huwebes ng gabi nang nakaraang linggo.

Hinala naman ng mga kapulisan na posibleng ginahasa muna bago pinatay ang menor de edad.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa nasabing insidente.(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.