Posibleng debris ng nawawalang Malaysian plane, na-detect ng satellite

INIREPORT NG Chinese government website na mayroon itong hawak na mga litrato ng pinaghihinalaang debris ng higit limang araw nang nawawalang Malaysia Airlines flight MH370 na may 239 sakay.

Iniulat ng website ng State Administration for Science, Technology and Industry for National Defense ng Tsina ang pagkakadiskubre ng isang satellite nito sa isang “[observed a] suspected crash area at sea.”

Binubuo umano ito ng “three suspected floating objects and their sizes.”

Nakunan ang mga ito Marso 9, isang araw matapos mawala ang nasabing eroplano, ngunit ngayon lamang nailabas.

Nasa coordinates na 105.63 silangang longitude, 6.7 hilagang latitude ang mga palutang-lutang na bagay, sa katimugang bahagi ito ng bansang Vietnam at silangang Malaysia.

Sinasabing ito ay parte ng hilagang silangang karagatan kung saan ga-ling ang Malaysian plane.

Lumalabas pa sa ulat, isa sa mga namataang bagay ay may may kalakihan, isa rito ay may sukat na 24×22 metro.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.