Posible raw mahulog ang loob sa binata Jessy Mendiola, aminadong crush si Gerald Anderson

NANG MAKAUSAP namin si Jessy Mendiola sa press launch ng Bubba Tealicious, sinabi nito, as an actress, mas gusto niyang wala siyang ka-loveteam. “Actually, iba na ang panahon ngayon. Sinasabi nila na mas better daw ang loveteam. Oo naman, okay naman dahil nagtutulungan sila, nakakahatak sila ng mga fans. But if you really want to be a serious actress, gusto mong tumayong mag-isa, it’s better na iba-iba ang ka-partner mo para makita nila ‘yung galing mo as an actress. Kapag may chemistry kayo ng makaka-partner mo, makikita nila ‘yung chemistry sa bawat leading man na makaka-partner mo. Makikita nila na kaya mong mag-isa na magaling ka,” paliwanag ni Jessy.

Nang magsimula ang telesereyeng Budoy, may issue na inili-link ka kay Gerald Anderson. Naging super close daw kayo sa set pero na-udlot sa hindi maipaliwanag na dahilan? “Mas okay nga sa akin ang ganu’n. Kasi, mayroon iba na parang hindi naman totoo na pinipilit nila. Kasi kami ni Gerald, ‘yung relationship namin, very professional. Para siyang ka-level nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na hindi naman sila in real life pero kaya nilang magtrabaho nang magkasama. They can make it work so, masaya naman kami ni Gerald na ‘yung mga tao ngayon, open na sila sa ganu’ng sitwasyon. Sa amin, ‘nu’ng nag-partner kami, ‘yung fans niya mabait sa akin. Doon ako bilib sa mga fans at saka sa co-actor ko na kapag hindi kami nili-link nang totoo sa isa’t isa, nandu’n pa rin ‘yung professionalism. ‘Yun ang mas mahalaga sa trabaho natin,” say niya.

Hindi raw totoo ‘yung tsika na nagpaparamdam kay Jessy si Gerald. “Hindi. Ewan ko kung saan nanggaling ‘yung issue na naglalakad daw kami sa Glorietta, nakita kaming magkasama. Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yun. Pero in a way, close kami. May alam akong tungkol sa kanya. May alam siya tungkol sa akin. Kapag magkatrabaho kami, tinginan lang alam na naming kung ano ang gagawin,” aniya.

Bonding moment nina Jessy at Gerald? “Sa mga parties ng bosses namin, thanksgiving, unit party, du’n kami nagkikita. Pero, I think, much better kung ganu’n, kasi sa trabaho, nangyayari ang lahat. You keep something for yourself… sa outside. Para they wonder kung ano ang ginagawa mo sa labas so, ‘yung co-actor mo magiging interested siya sa ‘yo kasi hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa ‘yo. Sa tingin ko, du’n nagiging mas maganda ‘yung bonding, na mayroong limitations.”

Reaction ni Jessy na nili-link ngayon si Gerald kay Sarah Geronimo? “Inaasar ko nga siya pero siya rin naman, may inaasar siya sa akin. Okay lang naman, I’ve guess, kung talagang sila eh, sila. Si Sarah naman, napakabait niya, kapag nagkikita kami sa ASAP, palagi niya akong binabati.”

Kung si Sarah binigyan ng necklace ni Gerald, si Jessy naman may regalo rin siyang natanggap galing sa actor. “May Christmas gift siya sa akin, Louis Vitton na may naka-engrave na ‘J’. ‘Yun… I think, si Gerald sweet sa lahat ng leading ladies even kay Janice de Belen. Siguro, gusto niya ‘yung ganu’n, professional at the same time nandu’n ‘yung pagiging sweet niya and everything.”

Ayon kay Jessy, kung sakaling magkaka-boyfriend siya sa ngayon, hindi magiging hadlang ang parents niya. Kaya niyang pagsabayin ang lovelife at trabaho. “Mas gusto ko, kung may manligaw man, focus muna ako sa trabaho. Kasi, tuluy-tuloy naman ang blessing.”

Inamin ni Jessy na crush niya si Gerald at unti-unti niya itong nakikilala. Kung sakaling maging seryoso ang binata sa panliligaw sa kanya hindi malayong mahulog ang loob niya rito. Walang masama kung sakaling sila nga ang magkatuluyan sa bandang huli. Ganu’n?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleNawala na raw kasi ang macho image Mga project na para kay Piolo Pascual, napupunta kay Coco Martin?!
Next articleAngel Locsin at Phil Younghusband, Officially Together and in Love!

No posts to display