Pork ni VP Binay, Pinatatanggal

HINILING NI Vice President Jejomar Binay sa Kongreso na tanggalin na ang kanyang P200 milyong pondo para sa local projects mula sa 2014 budget ng Office of the Vice President.

Sinabi ni Binay na nag-desisyon siyang alisin ang naturang pondo upang tuldukan na ang mga espekulasyon, pagdududa at pamumulitika kaugnay sa nasabing pondo kung ito man ay pork barrel o PDAF.

Tiniyak ng Bise Presidente na simula nang siya ay umupo sa kanyang tanggapan, ang lahat ng locally-funded projects ng OVP ay nakapasa sa lahat ng pagbusisi ng Commission on Audit (COA).

Samantala, sa pagtatanggal ng P200 milyon sa 2014 budget, ang budget ng OVP ay bababa na sa P217 mil¬yon mula sa dating P417 milyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Pork ni VP Binay, Pinatatanggal

  1. Kaya?Dios ko dai ano pa ang gagawin eh ang yaman yman na nila ano….di na kailangan lumabas na kasi eh._Dapat palitan ang lahat…at dapat bago palitan tanungin kung saaan galing ang mga kayamanan ng bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.