Pork ni PNoy, Ginisa sa Kamara

HINIMAY ANG mga tauhan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa unang araw ng committee hearing para 2014 national budget ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Sa naturang pagdinig, inusisa ng minorya sa Kamara ang pinatutunguhan ng bilyun-bilyong nalilikom ng Pagcor sa kanilang operasyon.

Sinabi ni Pagcor COO Jorge Sarmiento na wala silang sari-ling pagpapasya sa nakokolektang pondo dahil napupunta ito sa tanggapan ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III para sa president’s social fund.

Dahil dito, naungkat na naman ang bansag na president’s pork barrel na ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ay pondong walang proper disclosure kung saan napupunta.

Kaugnay nito, tinatayang aabot umano sa P2.4 bilyon ang inaasahang maibibigay ng korporasyon sa president’s pork sa taong 2014.

Samantala, aminado rin si Sarmiento na hirap silang tapatan ang malalaking casino na nag-o-operate sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.