Pork na nagamit sa RH Law at kay Corona, itinanggi ng Palasyo

MARIING ITINANGGI ng Palasyo ang paratang na ginamit ng Pangulong Noynoy Aquino III ang pork barrel fund para maipasa ang RH Law at mapatalsik si dating Chief Justice Renato Corona kung saan idinaan ito kay Janet Lim-Napoles.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, walang katotohanan ang nasabing alegasyon ni dating Sen. Kit Tatad dahil base sa ebidensya ang hatol kay Corona.

Sinabi ni Lacierda na dapat may ebidensya at hindi puro lang alegasyon.

Samantala, inihayag ni Lacierda na handa siyang magbitiw sa puwesto kung mapatunayan ni Tatad ang alegasyon, lalo ang umano’y lunch ng Pangulo at ni Napoles.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.