Pork Expose ni Lolit Solis, Kinutya ng Malacañang

KINUTYA LAMANG ng Palasyo ang mga naging pagbubulgar ng showbiz columnist at talent mana-ger na si Lolit Solis kaugnay ng mga taga-Malacañang na may kaugnayan kay Janet Lim-Napoles.

Maaalala na sinabi ng kolumnista na narinig nito ang pagtawag umano ni Executive Sec. Paquito Ochoa kay Napoles para humingi ng pondo sa 2010 elections kung saan nanalo ang Pangulong Noynoy Aquino III.

Maliban dito, naikuwento rin ni Solis ang isang party ni Napoles sa Heritage Hotel na dinaluhan ng mga kilalang personalidad sa showbiz at mga opisyal ng pamahalaan kung saan tumanggap sila ng mga regalong cash.

Kabilang daw dito sina PMS Sec. Julia Abad na anak ni DBM Sec. Butch Abad, election lawyer Romulo Macalintal, Jerry Acuzar na bayaw ni Ochoa, Mila Drilon na maybahay ni Senate Pres. Franklin Drilon at iba pang administration officials.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ayaw na nila itong patulan at ma-dignify ang ginawang pahayag ng isang taga-showbiz.

Samantala, sinabi nitong wala silang komento at baka mabigyan pa ito ng integridad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

3 thoughts on “Pork Expose ni Lolit Solis, Kinutya ng Malacañang

  1. LOLIT SOLIS? JOSKO, ANUNG KARAPATAN NYA SA MGA EXPOSE? PERA LANG ANG KATAPAT NYANG SI LOLIT. HARBATERA TO THE MAX AT SINUNGALING.

  2. Dapat imbistigahan rin si Lolit. Mukhang may connection siya sa pork barrel scam na kinasangkutan ng alaga niyang mga Revilla. Nabayaran ka na naman ba, harbat queen ? Ingat ka lang at baka paimbistigahan ka rin. Pero sa tingin ko, binayaran ka para sabihin ang mga ito. Wala kang prinsipyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.