Pork Barrel, Walang Planong Alisin ng Palasyo

MALAMIG ANG Palasyo sa hirit ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na alisin na ang pork barrel ng mga mambabatas dahil ugat ito ng katiwalian.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi naman tago ang paglalabas ng pork barrel ng mga kongresista at malinaw itong nakasaad sa DBM website.

Sinabi ni Valte na mahigpit din ang ginagawa ni Budget Sec. Butch Abad para matukoy ang mga proyektong paglalaanan ng pork barrel at hindi napupunta sa katiwalian.

Samantala, bukas daw ito sa publiko para mabusisi kung tama ang ginagastusan ng pork barrel ng mga mambabatas na nagsisilbi lamang tagapagpatupad ng mga approved projects.

“Alam mo ‘yung pagdating diyan sa pork barrel, marami na tayong nagiging hakbang to make the use of the pork barrel more transparent, at nakikita naman po natin ngayon ‘yan sa DBM website. The public can easily see when the funds are released. At pangalawa po riyan, nakipagtulungan po tayo roon sa ating mga mambabatas sa pamamagitan po ‘yan ni Secretary Butch Abad kung ano ho ‘yung mga guidelines, kung papaano ho gagamitin ‘yung kanilang — kung paano ho mag-a-identify ng proyekto,” ani Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.