Pork Barrel ni Iggy, Hahawakan ng LGU

NAKATAKDANG MAGHAIN ng resolusyon ang Kamara de Representantes para ideklarang bakante ang upuan ng kinatawan para sa ika-limang legislative district ng Negros Occidental.

Kasunod ng pagpanaw ni Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo, sinabi ni House majority leader Neptali Gonzales III na mahalagang magpatupad ng special elections ang Commission on Elections (Comelec) sa lalong madaling panahon, para mahirang ang papalit na kinatawan sa Kamara ng mga constituents ng namayapang mambabatas.

Una nang naiulat na tatayo munang caretaker si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. para sa distrito ni Rep. Iggy.

Tuloy naman umano ang paglalabas ng Department of Budget and Management ng pork barrel funds para sa mga proyektong nakalaan sa mga kababayan ni Arroyo.

Ayon kay Cong. Gonzales, pinapayagan umano ng DBM ang mga local government officials na tukuyin ang mga proyektong dapat pondohan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Rep. Iggy.

Samantala, blanko pa umano ang liderato ng Kamara hinggil sa plano ng pamilya ng namayapang kongresista kung magkakaroon pa ng necrological rites sa House of Representatives. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.