Pork Barrel ng 3 Senador, Napunta Umano sa Bogus na NGO

NAPUNTA UMANO sa isang pekeng non-government organization (NGO) ang bahagi ng pork barrel ng i-lang mambabatas.

Lumalabas sa ulat ng Commission on Audit (COA), kabilang sa mga nabiktima sina Senate President Juan Ponce Enrile, Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada.

Mahigit P106 milyon ang sinasabing ibinigay ni Estrada sa Department of Agriculture (DA) mula noong 2009 hanggang 2011 na ibinigay naman sa isang government owned and controlled corporation (GOCC) na Znac Rubber Estate Corporation.

Mula naman sa huli, ipinasa ang pondo sa bogus umanong Pangkabuhayan Foundation, Incorporation (PFI).

Ayon kay  Estrada, hindi nila nahahawakan ang pork barrel, pero sila ang nagdidikta kung saan ito mapupunta.

Samantala, iniisa-isa na ng tanggapan ni Estrada ang mga pinaglaanan ng pork barrel para makatulong sa pagsisiyasat ng COA.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.