Popularisasyon ng Agham sa Agrikultura, Isinusulong

PAGTUTURO NG mga makabagong paraan sa agrikultura na maka-Agham o nakaangkla sa Agham at Teknolohiya ang mga layuning isinusulong ng Department of Science and Technology (DOST) sa Region IV kabalikat ang isa sa kanilang sangay, ang PCAARRD.

Nitong nakaraang linggo, isa sila sa nanguna sa “Syensaya 2013” sa Los Baños, Laguna kung saan kabilang sila sa komunidad doon ng mga pribado at publikong institusyon ng pagsasaliksik.

Pinangunahan ni Dr. Alexander Madrigal ng DOST-CALABARZON at Dr. Patricio S. Faylon ng PCAARRD ang kanilang mga ahensyang may layuning ipakilala ang Agham sa kapwa sektor ng sakahan at pangisdaan.

Bagama’t ‘di nakarating ang kalihim ng kagawaran ng Agham sa nasabing okasyon, isang tagumpay na maituturing na kilala na sa sektor ng sakahan ang mga makabagong paraan ng agrikultura na kapwa isinusulong ng naunang mga ahensya.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.