Popular YouTuber Wil Dasovich, pinasilip ang shooting ng pelikulang ‘Siargao’!


HABANG TUMATAGAL ay lalong dumarami ang nahuhumaling sa pelikulang ‘Siargao’. Maliban sa talented at sexy lead stars nito na sina Jericho Rosales, Erich Gonzales at Jasmine Curtis-Smith, nasilip din ng moviegoers ang ganda ng isa sa dinadayong surfing spots ng Pilipinas.
 
Ang ilan sa mga nanood ng pelikula ay nagbayad ng ticket para mapanood ang sikat na Fil-American YouTuber at ex-PBB Housemate na si Wil Dasovich. Kasalukuyang nasa Tate ang binata, pero bago ito umalis ng bansa ay nakapag-shoot ito ng ilang eksena para sa pelikula. Kamakailan lang ay naglabas ito ng ilang video blogs (vlogs) na ipinapakita ang mga eksena sa likod ng paggawa ng travel film ng MMFF. Napanood niyo na ba ang pelikula? Baka kapag mapanood ninyo ang mga vlogs ni Wil ay maenganyo kayong pumunta sa sinehan o kaya naman magbook ng trip to Siargao!

Mukhang napakasaya naman pala ng Team Siargao! Congratulations din pala kay Wil Dasovich dahil na-achieve na niya ang goal niya na makalikom ng 1 million subscribers sa YouTube. Uwi na, Tsonggo!

         
 

Vlog Watch

 

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.