Pops-Joms, still together or not?

NAGPADALA SA AMIN ng press statement niya si Dr. Manny Calayan, hinggil nga sa diumano’y patutsadang nasabi ni Dra. VickI Belo sa host ng SNN (Showbiz News Ngayon) at The Buzz na si Boy Abunda, na endorser niya.

“We are behind Boy Abunda 101%. We understand his feelings and reactions to the ridiculing and insulting remarks he sustained from Dra. Belo. Promoting one’s business or services by stepping on someone was uncalled for. Besides, Dingdong Dantes used to be our endorser and part of what he has become came from our services and so did others of her big named endorsers-Claudine (Barretto), Ruffa (Gutierrez), Katrina (Halili).

“There’s a simple reason for our C to Believe campaign and that’s more about inner beauty that’s from a good and sincere heart like Boy Abunda which transcends outward a person’s life and touches other peoples’ lives. And through that inner beauty we see and believe in the beauty of other people and we believe in their goodness! We accept whoever you are, we make you look good and make you feel good. That’s the Calayan experience and that’s to C is to believe!”

Samanatala, pukpukan na rin sa mga messages sa Internet ang naglalaban-laban na rin ng patutsada sa kung sino ang tama at hindi kina Kuya Boy at Dra. Belo. Nakakaloka na ang palitan ng pintasan sa dalawa, and most are unprintable remarks!

Sarili kong opinion? Uncalled for nga ang mga naging remarks ni Dra. Belo para pa mag-name drop Ng mga nananahimik na tao. Magaganda lang ba ang pinagaganda sa mga klinika nila?

IN FAIRNESS, HA, ramdam ang lungkot sa parehang Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa pagtatapos muna ng pagsasama nila sa You Changed My Life sa Star Cinema Productions. Kasi nga, sa mga susunod nilang mga proyekto eh, sa ibang mga partners naman sila mapapanood.

Marami nga raw na-realize si Sarah sa pagiging leading man ni John Lloyd sa kanya. Dahil sa harap at sa likod ng camera, maraming na-dispel na una niyang paniwala sa mga tao in the business. And John Lloyd made everything clear for her.

WE ARE SENSING something with our good friend, the Fearless Productions part ng triumvirate with Ronald and Ryan Luis Singson na si Jomari Yllana, ha? Para kasing mabibigyan ‘ata ng kasagutan ang mga tanong na inihain sa amin ng mga kaibigan naming press after ng masaksihan ang ‘Missing You” reunion concert ng kanyang paboritong tandem na sina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Dahil nga sa ‘Now Vow’ ng dalawa, ang tanong ng bayan eh, paano kung may chance pa pala para magkabalikan ang dalawa? Paano na raw si Jom na Papa ngayon ni Popsicle?
Engrossed ngayon si Jom sa taping niya ng Zorro at kung wala nga siya sa Bagac, Bataan eh, sige naman siya sa training niya ng fencing dito sa Maynila.

Nang hindi sila magkasama ni Popsicle noong Valentine’s Day, may mga tanong na ring naglaro sa aming isip. Is there something going on na parang hindi maganda between them?

Nu’ng makausap ko sa telepono si Jom while on his way to Bagac, natatawa ito nang tanungin ko siya tungkol sa usok na nase-sense ko. Hindi naman niya dinenay. Pero wala rin naman siyang detalyeng ibinigay except that, sa telepono nga lang daw sila nagkakausap ni Pipay. ‘Yan ang aabangan natin. ARE THEY STILL TOGETHER OR NOT ANYMORE?

Ang maliwanag about the concert he produced, wala na muna raw itong magiging repeat in Manila. Pero may mga probinsiya na itong iikutan at malamang nga na sa Cebu ang kick-off nito at magtutuloy na abroad.

If there is one thing lang na nagpapasaya theses days kay Jom in his life, being a Fearless producer eh, ang pagsasara na nila ng kontata para sa dalawang David ng American Idol na sina David Cook at David Archuleta! Yes! Si Jom at ang kanyang partners in Fearless ang magpo-produce ng back-to-back concert ng dalawa na sa isang malaking open field isasagawa. Very soon, tutungo ng Amerika si Jom para makausap at makadaupang-palad ang dalawang David. Yes, sabi ni Jom, nag-down na rin daw ng bayad ang kanyang Fearless Productions sa talent fee ng dalawang idols!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.