Pops-Jomari break-up caused by third party?

The Pillar
by Pilar Mateo

RIGHT HERE, RIGHT now! Now na!

Ito nga ang reaksiyon ng mga sumusubaybay gabi-gabi sa talk show ng tandem na Boy Abunda at Kris Aquino sa ABS-CBN mula Lunes hanggang Biyernes. Lalo na noong Biyernes na naghahatid sila ng mga balita sa kaganapan sa pagpanaw ng King of Rap. Na ang kabuuan ng palabas was devoted lang for him, sa mga updates at kailangang maihatid sa mga manonood.

And today, sisimulan na ang panayam na isinagawa ni Kuya Boy sa Concert Queen na si Pops Fernandez. At isa-isa na raw nitong sasagutin ang mga tanong na matagal nang naghihintay ng kasagutan mula sa kanya sa paghihiwalay ng landas nila ng kasintahang si Jomari Yllana.

Nagbigay na ng pahayag ang aktor na ‘irreconcilable differences’ ang dahilan ng tuluyang paglalagay ng tuldok sa kanilang halos may tatlong taong relasyon.

Pero may mga iba pa nga bang rason’g idi-divulge ang Concert Queen sa tunay na dahilan diumano ng kanilang naging alitan, na nauwi sa hiwalayan?

Umugong na ang usap-usapang tungkol sa pera. Sinusundan na ito ngayon ng third party raw. At iba pang mga taong itinuturo sa naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Will Pops tell it as it is? Tutukan ‘yan sa SNN (Showbiz News Ngayon) gabi-gabi.

NAGBIGAY NA NG pahayag niya ang Concert King na si Martin Nievera hinggil sa hiwalayang Pops Fernandez at Jomari Yllana. Obviously, sa kanya nagsumbong si Pops sa hindi na magandang nangyari sa relasyon nila ng aktor.

Nagbitiw na rin ng matinding salita si Martin na he will never work again with Jom and his Fearless Productions. Choice naman daw niya ‘yun at may karapatan siyang mamili kung sinuman ang producer na sasagutan niya sa mga concerts o shows na gagawin niya.
Ramdam mo na may galit sa dibdib ni Martin for Jom, sabi nga niya, ‘for hurting Pops.’

HINDI NAMAN MUNA nagre-react ang kampo ni Jomari Yllana sa mga bagong ikot na nangyayari ngayon sa minsan na niyang nabigyan ng kasagutan tungkol sa irreconcilable differences nila ni Pops. Ngayon eh, mukhang nanganganak na ito. At imbes na maging tahimik na sila dahil umamin naman noon si Jom na nag-usap na sila ni Pops at nag-agree na sa mga kinahantungan ng kanilang paghihiwalay.

Ang mga tao sa palibot ni Jom ang nagtataka. Kung ano pa nga ba ang sasabihing mga dahilan ni Pops, tungkol sa kanilang hiwalayan.

Ngayon nga ba ay may third party nang ituturo sa nasabing hiwalayan?

Kakaloka! Pati ang may edad na raw na Spanish teacher ni Jom para sa kanyang papel sa Zorro, na si Veronica Garcia eh, pagbibintangan pa ‘ata. Nakakatawa!

Inaabala ni Jomari ang sarili sa pagbabalik-balik sa Bagac, Bataan para sa Zorro and in between his taping, ang pag-aasikaso sa pagtungo ng dalawang David (Archuleta and Cook) sa bansa soon! At sa SMX sa Mall of Asia natin sila makakapiling.

Nagkakampo-kampo naman ang mga bagets na tagahanga ng dalawang American Idols. Si Juliana Gomez (nina Richard at Lucy) pala ang number one supporter ni Archuleta. At ang mga anak naman nina Gelli at Janice de Belen ang nagsu-swoon kay Cook. Ngayon pa lang, nagpapareserba na ng mga tiket nila.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.