Pops, iniwan na ng mga anak!

NO (POP’S) SMEAR: Flawless na naman daw talaga ito. Pero hindi nag-dalawang-isip si Dr. Manny Calayan para lalo pa raw i-enhance si Pops Fernandez sa serbisyong sinasailaliman nito sa clinic ni Doc, sa kanyang balat.

Pioneer nga at isa sa mga unang endorser ng Belo Medical Clinic si Pops pero ngayon, parang siya ang flag-bearer ng mga Calayan sa kanilang ‘to see is to believe’ campaign.

Ayon kay Pops, magkaibigan pa rin naman daw sila ni Dra. Vicki Belo and every now and then eh, nagtsitsikahan naman sila when they see each other sa kung saan-saan man.

Could it be na marunong lang ng long-term projection si Pops? Dahil in August, ilo-launch na ni Dr. Calayan ang kanyang international branch sa West Hollywood, in Los Angeles, California, USA. At dalawang Nicole naman of international caliber ang magiging endorsers niya roon, baka raw si Kidman at ang miyembro ng Pussycat Dolls. Nakatakda rin ang pagsalang ni Doc sa “Tyra Banks Show” dahil Pinoy pala ang executive producer ng naturang show na nakapanood naman sa kanya sa isang interview niya about his profession.

So, pagkatapos ng anacondang pumulupot sa katawan ni Pops sa naglalakihang billboard ng Calayan, what’s next?

“Baka insekto naman,” natatawang say ng diva.

Kumusta naman ang puso niya? May bahid pa rin daw ba ito ng sakit? At kumusta naman ang pinalalaking dedmahan daw nila ni Jomari Yllana sa wake ng manager na si Tito Douglas Quijano?

“Nagbatian naman kami. After a long time, noon lang kami nagkita. Wala namang problem. We were just where we are. Galit? Wala na, Thank God, naka-recover na ako. Nakatulong din ‘yung nag-work ako nang nag-work ang sa ibang lugar. When you’re outside pala it helps. Walang mga nagtatanong na press. Haha!

“Actually, mas na-sad ako, kahit na sabihing I’m super single now and sexy, dahil nasa US na si ‘Kuya’ (son Robin). Doon na siya mag-aaral ng music production. Tapos, Ram naman just graduated at doon na rin nagbakasyon. So, they’re with Martin (Nievera) now.”

Dating again? “How I wish.”

Nabanggit naman ng diva na lahat daw ng kakilala niyang mga tatay eh, pinadalhan niya ng text messages noong Father’s Day, including the father of her sons at ang kanyang recent ex.

Naipakilala na raw ba naman sa kanya ni Martin ang recent girlfriend nito?

“Ay! Wala akong alam. Siya ang tanungin niyo. Baka mag-react na naman. Ayoko!”

THE FOUR HORSEMEN: Pormal na basbas na lang sa pagkakapili sa kanila para gampanan ang apat na naging blockbuster films ng Imus Productions ni Ramon Revilla, Sr. para sa tatlong Prinsipe ng ABS-CBN na sina Jake Cuenca, Gerald Anderson at Coco Martin na ihahanay sa Prinsipe ng mga Revilla na si Jolo, ang aantabayanan.

Iniharap na sa media ang apat na gaganap sa mga ‘agimat’ series ni Ramon, Sr. – ang Pepeng Agimat, Hulihin… si Tiagong Akyat, Tonyong Bayawak at Elias Paniki.

Ayon sa magkapatid na Rowena at Andrea (Bautista-Ynares), tutok pala sa soap na Tayong Dalawa ang kanilang ama, kaya hindi na sila nahirapan sa pagpili kung sino nga ang gaganap sa mga karakter na pinasikat nito sa matagal na panahon.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.