Pops Fernandez, tinawag na ahas! Gretchen Barretto, may lalabas na bagong eskandalo! – Gorgy’s Park

SA HULING INTERVIEW ng Startalk kay Mikaela Bilbao, matindi ang mga sinabi nito laban kina Gretchen Barretto at Pops Fernandez. Pero kung napanood n’yo ang interbyung ‘yun ni Ricky Lo nu’ng nakaraang Sabado, medyo sanitized na ‘yun dahil hindi na pinayagan ng legal na maere ang lahat na mga sinabi ng naturang beauty expert.

Ito’y kaugnay pa rin sa isyung kinasangkutan nila noon sa isang government project na hindi raw nagkahatian sa kumisyon.

Kaya nagpa-interview uli si Mikaela dahil ang dami pa raw na ipinarating sa kanya na mga text at e-mail na pawang kasiraan ng dalawa, lalo na si Gretchen.

“Hindi ako interesado sa buhay or what happened to Gretchen’s life because I also have my own life and as a human being, I too, am not perfect.

“I have my imperfection and I do have my own kalokohan, lahat tayo me ganu’n, so who am I to be an instrument para ilabas ko ang mga gustong ilabas?” Pahayag nito.

May e-mail na ipinakita si Mikaela na matindi ang mga ibinibintang laban kay Gretchen na ewan ko lang kung totoo.

May mga attachment sa email na ‘yun na nagpapakita ng mga bagong rebelasyon laban kay Gretchen na kung lumabas ito, tiyak na panibagong eskandalo na naman ito.

Ang gusto lang iparating ni Mikaela na huwag na siyang guluhin ng mga text o e-mail na pawang kasiraan kay Gretchen at Pops, dahil wala naman daw siyang magagawa sa mga ‘yun.

Si Pops naman ay tinawag ni Mikaela na ahas gaya nu’ng pinulupot sa kanya sa pictorial nu’ng endorser pa ito ng Philosophy by Mikaela na beauty clinic and spa.

“If you really ask me, I think Pops is really a snake, parang in the Garden of Eden. Siya ‘yun, kasi may pagka-deceiving, eh. That is my personal opinion, ha?” Mataray na pahayag ni Mikaela.

Kaya nagsalita uli si Mikaela, dahil nabasa nito sa isang entertainment website na magpapa-interview raw rito si Gretchen at mahabang interbyuhan daw ‘yun para sagutin ang mga paratang ng palaban na beauty expert.

“I’m actually waiting for this sit down interview, long interview na sinasabi niya kay Ms. Joann Maglipon.

“She said in PEP was, ‘I will discuss this with you but this has to be a sit down interview. Thas has been October 8, 2009, almost a month ago, nu’ng una nila akong idinawit,” patuloy ni Mikaela.

Ngayon ay hinahamon ni Mikaela sina Pops at Gretchen na idemanda siya para maglabasan na ang buong katotohanan sa korte.

“Kasi, that’s the only place and that’s the only forum where the truth will come out, irregardless of how good the lawyers are, the truth will always come out,” matapang pa ring pahayag ni Mikaela.

Kung hindi man umabot sa demandahan, hinahamon pa rin sila ni Mikaela na magharap-harap sa isang talk show, isama na raw si Ana Abiera na may alam din ng buong katotohanan.

Lahat ng sinabing ‘yun ni Mikaela ay dinedma lang nina Pops at Gretchen. Hindi raw nila papatulan ang mga sinabi ni Mikaela dahil obvious namang gusto lang daw nito na mapag-usapan siya na itinatanggi rin naman nitong kontrobersiyal na beauty expert.

Nakadududa lang ang katahimikan ng dalawa at bakit hindi nila ito sinasagot. Dahil ba may bahid ng katotohanan ang mga sinabi ni Mikaela o hindi lang talaga ito kapatul-patol?

By Gorgy’s Park

loading...

10 thoughts on “Pops Fernandez, tinawag na ahas! Gretchen Barretto, may lalabas na bagong eskandalo! – Gorgy’s Park

  1. maniniwala pa ba naman kayo sa dalawang eto isama nyo na si ruffa. para lang mai maintain ang popularity natural kailangan ng pera what ever it may cost lalo na kay gretchen na immoral.

  2. gretchen and especially pops have been in this business halos decade na, at hindi pa sila nasasangkot sa mga eskandalong katulad nito, you think they would surrender their integrity for this certain mikaela?

    bakit ganon, halos beauty clinics are such ATTENTION-GRABBERS si dr. calayan na lang ang napag iiwanan!

  3. sino naman kasi ang mikaela na to parang PUTOK lang sa BUHO biglang lilitaw out of nowhere! bwahahaha! final verdict, HINDI ITO KAPATOL-PATOL!

  4. di na bago ang scandal na ito kay gretchen dahil kilala naman siyang materialistic kaya kung sino ang may pera, doon siya..about pops, nakakagulat na masangkot siya sa ganitong scandal..looks can be deceiving, hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.