Pops Fernandez, shocked at reports romatically-linking her with Senator Chiz Escudero!

TUWING NAGRI-REPORT KAMI sa radio, laging tinatanong sa akin ang isyu nang hiwalayan nina Sen. Chiz Escudero at ng kanyang asawang si Cristine.

May angulong showbiz kasi dahil itong asawa ni Chiz ay natsitsismis sa isang dancer ng Maneouvers.

Kalat na kalat na ang intrigang iyan, at pati si Sen. Chiz din ay nali-link kay Pops Fernandez.

‘Yun ang kumakalat na tsismis na ikinaloka ni Pops dahil napakalayo raw nu’n sa katotohanan.

Sagot ni Pops, hindi nga raw sila nag-meet ni Sen. Chiz, paano mo raw paniwalaan ang tsismis na nagdi-date sila.

“I attended The Habitat event, pero ang layu-layo naman niya. Hindi kami magkatabi. Kumbaga, dumaan lang siya.

“That’s the last time I ever saw him, and even the first time I ever met him. We weren’t even introduced,” sagot ni Pops sa intri-gang iyan.

Meron namang nagkakalat ng tsismis sa mga reporter na kung gusto raw nilang makitang magkasama sina Cristine at itong dancer ng Maneouvers na si Joshua Zamora, pumunta lang daw sa Pangasinan nu’ng nakaraang linggo dahil nandu’n daw ‘yun para samahan daw si Joshua na merong event sa Urdaneta, Pangasinan.

Wala naman yatang pumatol na mga reporter dahil napakalayo ng lugar at parang hindi naman yata tama na susubaybayan pa sila.

Hayaan na lang natin sila kung ano man ang mga gustong gawin nila sa kanilang buhay.

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin naman si Sen. Chiz at ang asawa nito tungkol sa isyung iyan.

Bago mag-speculate ng kung anu-anong kuwento, hintayin na lang natin ang pagbibigay nila ng statement.

LALONG GUMANDA SI Kylie Padilla nang nakita ko ang coverage ng Startalk sa pictorial niya para sa Blusang Itim.

Si Kylie ang gaganap sa dating pinagbidahan ni Snooky Serna kaya pinaghahandaan daw niya ito ngayon.

Very supportive naman daw ang Papa niyang si Robin Padilla at nagkaroon nga raw sila ng masinsinang pag-uusap at hindi raw niya napigilang maiyak.

Okay na raw sila ngayon ng Papa niya at settled na raw sila, kaya wala na raw isyu sa kanila lalo naman ang tungkol kay Aljur Abrenica.

Close friends lang daw talaga ang turingan nila ni Aljur at wala naman daw ligawan.

Sa trabaho lang daw siya naka-focus ngayon at wala raw munang lovelife.

Pero may nagkuwento naman sa amin na nu’ng pictorial nito sa Blusang Itim ay tumatawag daw sa kanya si Aljur para kumustahin siya.

Hindi naman ito itinatanggi ni Kylie dahil close naman daw talaga sila at malaki raw ang naitulong sa kanya ni Aljur para maging kumportable raw siya sa kanyang trabaho.

Si Frank Magalona ang partner dito ni Kylie sa Blusang Itim at hindi naman siguro ito pagseselosan ni Aljur, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.