Pops Fernandez, nagmukhang starlet sa birthday concert ni Sharon Cuneta?! – Fernan de Guzman

NAPANOOD NAMIN ANG pelikulang Puntod sa paanyaya ng Phiippine Daily Inquirer journalist cum producer na si Arlyn dela Cruz. Sa totoo lang, sa movie na ito ay naging big revelation si Hotbabe Sheree.

Ayon nga kay Sheree, sobrang saya niya dahil nga nakagawa na siya ng isang pelikula na may kabuluhan. Hindi nga raw niya pinagsisihan na makasama niya sa movie.

Alam n’yo bang nagkaroon siya ng dengue nang mag-shooting siya sa isang location na puro basura? Mabilis naman naagapan ang dengue dahil nga inalagaang mabuti ng producer si Sheree.

Showing ngayon sa Galeria, Ortigas ng said movie. Na sana ay mapanood ng mga pulitiko dahil nga sa napapanahon ang tema nito.

Congrats!

BLIND ITEM: ISANG insider sa showbiz ang nagpatunay at walang preno na ikinuwento ang tungkol sa dalawang young actor na magkasama sa isang network at magkasama sa isang show.

Hindi man sila naging magbarkada at madalas magkasama sa labas ng showbiz, madalas naman silang magkasama sa iisang dressing room kapag sila ay nagte-taping.

Ang kuwento sa amin ay napatunayan daw nga nitong si young actor no. 1 na true na may bahid ng pagkabading si young actor no. 2.

Nooong una ay inilihim ni young actor no. 1 ang kanyang nadiskubre, pero nito ngang madalas na nahahalata niyang laging nakatingin ang kanyang kasama sa dressing room na si young actor no. 2 sa kanyang namumukol  na harapan kapag siya ay nagbibihis, na-sure niya na may pagkabadingersi nga ang ito.

Hindi lang isa, o dalawa beses niyang nahuhuli na palihim na sumusulyap ito sa harapan ng kanyang underwear. At nang nahuli nga niya ito ay biglang nagsabi na lang ng, “Gusto ko ang style at cut ng briefs mo.”

Patay-malisya ang binobosohan na si young actor no. 1 sa sinabi sa kanya ni young actor no. 2.

Nang ma-confirm niya na talagang gusto hawakan ng young actor no. 2 ang kanyang bukol ay sinadya niyang magsuot lang ng underwear sa dressing room habang naghihintay ng take sa taping. Hindi rin lumabas ng dressing room si young actor no. 2 at nagpiyesta ang mga mata nito sa pagtingin sa namunukol na laman ng briefs.

O, knows n’yo na ba sila? Basta, nasa first ten ng alphabet ang initials ng kanilang pangalan.

NAGMUKHANG STARLET NA singer daw itong si Pops Fernandez sa katatapos na birthday concert ni Megastar Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum.

Naging back-up lang daw ni Mega ang concert queen. Kasama raw sa back-up ni Mega sina Rica Peralejo at Candy Pangilinan.

Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit pumayag na ganoong number lang ang ginawa ni Pops? Sa totoo lang, marami ang nagulat.

Pero gusto pa rin naming malaman kay Pops kung bakit nga nagkagano’n?

Ganu’n pa man, successful ang said concert at ayon nga sa mga nanood ay 95 percent ang attendance ng show.

Sobra raw ang sigawan nang tawagin si Robin Padilla sa stage. At nang ipakita raw ang VTR ni Gabby Concepcion ay hindi ito nagpatalbog.

Buhay pa rin ang fans ni Mega at ni Richard Gomez.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

8 thoughts on “Pops Fernandez, nagmukhang starlet sa birthday concert ni Sharon Cuneta?! – Fernan de Guzman

  1. kahit sa malayo stand out ang beauty ni pops sa number na yun during sharon’s bday show. actually kahit si sharon ang may bday si pops ang mukhang bida sa ganda at sexy niya. kabog sila! wala naman kay pops yun..she did that number dahil kaibigan naman niya si sharon.

  2. i saw the video, based sa other news, it was the most applauded no!. pops was so awesome, most graceful and the sexiest of them all

  3. I was in Araneta and for me i never had an impression na nagmukhang starlet si Pops only bec. of the others who sang with her. Cherie Gil is part of the 5 who sang the song Nobody and Sharon being the celebrant is naturally became the lead vocalist of the group while the 4 are close firneds of her that is why they are in the said number. Certainly, Pops did it out of friendship with Sharon just like the rest.

    • Mali ka dyan! Ang bata naman ng hitsura nya kung si IC Mendoza ang kamukha. Haller?????
      Mas kamukha nya si Dolly Carvajal, o kaya si Inday Badiday.
      Look again.

Leave a Reply

Your email address will not be published.