Pops Fernandez, naghihintay pa rin sa kanyang Mr. Right!

NAKAKATUWA ITONG si Pops Fernandez, kahit saan namin siya masalubong ay talagang namamansin siya at hindi snub sa mga katulad naming maliliit na pangalan lamang sa industriya. Lahat din ng tanong ay binibigyan niya ng paliwanag at hindi siya ‘yung tipong no-comment lagi.

Recently, we bumped into her sa isang event at kinumusta namin ulit siya kung ano na nga ba ang mga pinagkakaabalahan niya. Sa nga-yon ay abala pa rin daw siya sa kanyang mga negosyo. Katatapos lang ng kanyang celebrity golf for a cause at very successful daw ito.

Matagal nang single and very available si Pops pero hanggang sa ngayon ay nanatili pa rin siyang loveless, dahil naniniwala na siya na ang tamang pag-ibig ay darating daw sa tamang panahon.

 

NOONG HUWEBES, June 14, sa Chicken Inato sa may Tomas Morato, pormal nang nagdeklara ng kanyang kandidatura si Philip Salvador. Tatakbo si Kuya Ipe bilang bise-gobernador sa lalawigan ng Bulacan kung saan nagmula ang kanyang ina. Ayon pa kay Kuya Ipe, he’s more than ready to serve Bulakenyos at suportado siya ng ilang local politicians na nandu’n mismo sa restaurant noong ipinahayag niya ang kanyang intensiyong sumabak muli sa pulitika.

Kabilang sa mga sumuporta kay Kuya Ipe ay sina Bulacan Mayor Patrick Meneses, Pandi Mayor Enrico Roque, Vice-Mayor Doods Roquero and Congressman Arthur Robes.

Hindi pa inanunsiyo ni Kuya Ipe kung saang partido siya aanib pero sa mga darating na araw ay ipapaalam din niya ito. Tiyak na maging mainit ang labanan sa pagka-Vice Governor ng Bulacan dahil ang kasalukuyang bise sa probinsiya ay isa ring artista, si Daniel Fernando.

 

MATAPOS ANG very short stint niya sa Wil Time Bigtime, wala na kaming balita sa dancer-turned-TV host na si Bey Bisaya. Pero lately, parang napanood namin sa isang plug ang kanyang boses at natitiyak naming siya nga ‘yun. Sa Net25 namin napanood ang nasabing plug pero nang nagtanung-tanong kami sa aming mga kaibigan du’n ay wala silang tiyak na kasagutan sa aming katanungan.

But according to my sources, balik-telebisyon na nga si Bey Bisaya, kasama raw si Eduard Bañez sa isang bagong segment ng Homepage, ang morning show ng istasyon. Iikot daw ang dalawa sa mga bahay-bahay every morning upang mamigay ng mga papremyo at grocery goddies.

Goodluck Eduard and Bey Bisaya!!!

 

ANG PINAKAMALAKING artista search ay malapit nang matunghayan sa TV5. Ito ay ang Artista Academy, kung saan host nito ang pinakabagong kapatid na si Cesar Montano. Bukas, June 19 ang grand audition nito sa Smart Araneta Coliseum, kaya kung nangangarap kayong mag-artista, aged 16 to 20 years old, mag-audition na kayo, malay n’yo, kayo ang manalo ng halos P20 million in cash prizes.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

5 thoughts on “Pops Fernandez, naghihintay pa rin sa kanyang Mr. Right!

  1. Si cristy Fermin daw ang dahilan kaya napaalis si Bey Bisaya sa Wiltime?She is pretty and funny,sana ibalik siya sa Wiltime,para manood ulit kami ni mama ko,maarte masyado yun wife ni Robin

  2. sabagay sa laki ng kurakot ninanakaw at nawawalang load ng mga SMART subscriber ni MVP eh maning mani ang 20M no! TSUGI NA PALA YUNG EXTREME MAKE OVER NILA AHAHAHAHAHAHA LUGING LUGI KASI WALANG NANUNUOOD AT ANG CHEAP CHEAP NG VERSION NILA HAAHAHAHAHAHAHA ANG CHEAP NG MGA PALABAS SA TV5 HAHAHAHA PURO BASURA TULAD NG DA GMEEEWWWW PURO UNKOWN STARLETS HAHAHAHAHA

  3. MGA WALANG ORIGINALITY ANG TV5 HAHA! PWEDE BA MAG-ISIP NAMAN NG MAGANDA ANG CREATIVE TEAM AT WAG PURO GAYA-GAYA PUTO MAYA HAHA!

  4. marvin at cesar?!!!  ano ba yan.. mga gurang ang hosts!!!!  cheap na ng title cheap pa ng hosts malamang pati jurors at contestants cheap din.. buti na lang malaki price hahahaha   yun lang meron ang tv5,, PERA  yyun lang….

  5. artista academy? pilipinas kanta? ang babaduy nyo! mag isip naman kayo ng ibang name sung ng mga shows nyo, sa title pa lang ayaw ko ng panoorin!

Leave a Reply

Your email address will not be published.