Pops Fernandez, may kasamang gov’t official sa beach resort? – Pilar Mateo

NGAYON LANG NASAGOT ang matagal na naming tanong nang makita namin sa reception ng kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo  ang matagal na pagnguyngoy ni Lyka Ugarte na hindi rin naman masabi-sabi agad sa amin ni Mommy Carol (Santos) ang tunay na dahilan.

Lumipas pa ang mga araw na madalas naming nakakabangga sa paglalaro namin ng Pet Soceity sa Facebook si Ms. Lyka at nagpapalitan pa kami roon ng mga regalo. Pinalitan kasi niya ang name ng pet niya kaya inusisa ko siya. That was the only time kami nagkatsikahan doon at madalas, mga makabagbag-damdamin ang mga messages na ibinabahagi niya sa kanyang wall sa nasabing pahina ng Facebook.

At ngayon na nabulgar na ika-apat na beses na pala ang ginawa niyang pagtatangkang pagpapakamatay dahil sa depression, na kahit daw nag-seek na siya ng professional help, eh, wala pa ring naitulong sa kanya.

Hindi nga raw inasahan ni Ms. Lyka na ang mga tutulong pa sa kanya this time na natawagan ng kanyang anak na si Kimberly, eh, ang mga taong ‘di niya inaasahang sasalba sa kanya.

Grabe naman pala kasi ang mga pinagdaanan niya sa mga nawalang relasyon, sa nawalang trabaho at ang pinakamabigat na sinabi naman niyang hinahanapan ngayon ng kasagutan sa pamamagitan ng masusing pag-iimbestiga, eh, laban sa isang nagtatrabaho sa PAGCOR. Nilinaw naman ni Ms. Lyka na tumutulong naman sa kanya ang mga nasa pamunuan ng nasabing kumpanya para kaagad na mabigyang-hustisya ang sexual harrassment na isinampa niya laban sa nasabing kawani.

KUNG MAY BOMBANG pinasabog si Ms. Lyka tungkol sa diumano’y sexual harrassment sa kanya, sa mga salita naman ng nakakaalitan ngayon nina Pops Fernandez at Gretchen Barretto na si Mikaela Bilbao ay naghahanap bigla ng kasagutan ang tinuran nitong alam niya kung sino ang mga government official na diumano, eh, kasama ni Pops sa isa nilang beach doon sa Bohol.

Madalas daw kasing isama ni Mikaela sa sari-saring probinsya si Pops at nabanggit nga raw nito minsan sa kanya na dream nito na magkaroon ng kanyang dream house na may beach front. Dahil mabait ang Mikaela at ang kanyang pamilya, ayon sa kuwento nito, eh, niregaluhan niya si Pops nito.

Pero sa pasabog ni Mikaela, more than the away na meron sila ngayon, mukhang ang hahanapan ng kasagutan, eh, ang nasabi nito na alam niya ang mga government official na kasama ni Pops sa nasabing bayan?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

7 thoughts on “Pops Fernandez, may kasamang gov’t official sa beach resort? – Pilar Mateo

  1. the truth is maganda naman etong dalawa na eto pops at gretchen isama nyo na si ruffa kaya lang siguro pag binalatan mo yang tatlo na yan panay uod ang lalabas sa katawan. dahil yan ang ginagamit nila pangalkal ng mga salapi..

  2. ang tanda na ni gretchen at pops feeling young pa rin kapal din mukha ng mga dalawang to. kahit d sila mahiya sa tau sa mga anak na lang nila na binata at dalaga na.

    nag pa kapal pa ng labi tu si pops angelina jolie mahiya sya sa labi nya dahil d bagay sa kanya lalo lang syang iniwan ni jomari. dapat sa dalawang to ipadala sa basilan.

  3. dapat nating malaman lahat para yung mga pulitiko na yan na may mga kabit gamit ang pera ng bayan ay maparusahan. at yung mga iniidolang mga artista na yan ay mabigyan din ng mga leksyon, hindi naman mostly sa kanila acting o talent ang ginagawang puhunan kundi sa showbiz ay ginagawang baseline para magbenta ng por kilong laman. pweee

Leave a Reply

Your email address will not be published.