Pops Fernandez, madalas kabahan ‘pag nagte-text si Martin Nievera – Archie de Calma

PAKIRAMDAMAN pa rin ang umiiral sa pagitan ng estranged couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez. Once again, magsasama sila sa isa na namang Valentine show, eksaktong February 14, sa SMX Convention Center, pinamagatang One A-More Time, kaya marami na namang kuwento ang dalawa.

Once in a blue moon lang daw mangumusta si Martin through text messages kay Pops. Pero, everytime daw na ganoon, inaasahan ni Pops na may mangyayaring kakaiba, o medyo hindi maganda. Kaya everytime na magte-text si Martin, ninenerbyos na siya.

Nagtatanong daw si Martin kay Pops if she’s okay. “Oh, so what’s wrong Martin? I’m okay,” na siyang naitutugon ni Pops. Weird nga raw. Kasi, after that, something wrong’s going to happen to her.

Pero, kinlaro agad ni Martin na noong may relasyon pa sina Pops at Jomari Yllana, wala siyang naging feeling na ganoon, that she has to text Pops because he was sensing that something was going to happen. Hindi raw tungkol sa relasyon ‘yun.
It’s more about her, her health,” paglilinaw ni Martin. “May concerns ako palagi. Alam kong she has ulcers, she was not getting enough sleep, not taking enough liquids.”

Nagulat pa si Pops nang ikuwento ni Martin sa press, sa isang concert nila together sa San Diego, na isinugod sa  emergency room ng isang hospital si Pops. Hindi na nagdetalye pa si Martin tungkol doon.

“It was 3 A.M., and she was in pain,” recalls Martin. “Kailangan ni Pops to fill up a form with all the info, and I had to do that. I filled up everything. The nurse just asked, ‘Who are you?’ I just told her I am a friend. “

Tawa na lang daw nang tawa si Pops dahil wala ngang nakakikilala sa kanila roon, that they were husband and wife. Alam pa rin ni Martin ang mga kaliit-liitang detalye about Pops. And he still nags her.

“I always make paalala about how she neglects her health,” ani Martin.

“I remind her to get a check-up. “
Hanggang ngayon, naaalala pa rin nila ang June 28 being their wedding day. Noon, laging si Martin ang unang nagte-text kay Pops at bumabati. Na siyempre, nagugulat na lang si Pops dahil matagal na silang magkahiwalay.

Pero, nitong nakaraang June 28 ay si Pops na ang unang nakaalala at binati pa si Martin. Ang ganitong mga bagay ay patuloy na nagpapakilig sa mga sumusubaybay pa rin sa love story nina Martin at Pops. And even some psychics point out that they’re soulmates, which they actually feel they are.

Calm Ever
Archie de Calma

Related Post

loading...

3 thoughts on “Pops Fernandez, madalas kabahan ‘pag nagte-text si Martin Nievera – Archie de Calma

Leave a Reply

Your email address will not be published.