Pops fernandez, inuulan ng manliligaw?!

NAKORNER NAMIN si Pops Fernandez last Saturday sa 50th birthday ni Senator Jinggoy Estrada sa The Tent City, Manila Hotel. Happy and mukhang super blooming ngayon ang Concert Queen.

Dineretso namin siyang tinanong kung may lovelife ba siya ngayon. Tawa nang tawa si Pops at sabi nito, “Hahaha, Foursome muna tayo, ‘yun na lang muna.” Ang tinutukoy ni Pops na Foursome ay ang repeat ng matagumpay na concert nila nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa March 16.

Giit namin, pero may manliligaw kaya siya ngayon? “Meron naman. Pero hanggang du’n na muna. Enjoy-enjoy muna tayo.”

Dagdag pa naming tanong sa kanya, “I’m sure mga bagets siguro ang iba riyan?”

Hindi na kami sinagot ni Pops, bagkus halakhak na lang ito ng halakhak.

 

MARAHIL, SA bagyo ng intrigang kinakaharap niya nitong nakaraang mga linggo, mas pinili muna ni Cesar Montano na manahimik at sumagot lamang sa isyu sa pagitan niya at ng kanyang asawang si Sunshine Cruz sa takdang panahon.

Last week, sa presscon ng kanyang bagong pelikula, paunti-unting nagbigay ng reaksiyon si Cesar, hindi man ito ‘yung pinakapulidong mga sagot, pero sapat na sigurong maringgan siya ng kanyang panig tungkol sa isyung hiwalayan nila ni Shine.

Sa panayam ni Dolly Anne Carvajal sa kanyang best friend forever (bff) na si Buboy, palayaw ni Cesar, para sa ang Ang Latest: Updated ng TV5 last February 16, kahit papa’no ay unti-unti nang nag-open si Cesar ng kung ano talaga ang mga katotohanan sa likod ng mga naglabasang intriga.

Inumpisahan muna ni Dolly Anne ng pangungumusta sa kaibigan ang panayam bago niya ito tinanong tungkol sa kontrobersiya. Ani Dolly, “Pero ang hirap ng nangyari sa iyo, parang trial by publicity, ‘di ba? So, kumusta ka na after all the controversies?

Tugon ni Cesar, “Medyo nakapahinga na ako after the filming. Tapos na ‘yung mga shooting ko. ‘Yun ang tunay na nakaka-stress dahil puyatan nang puyatan.”

Paano kaya siya nagtrabaho sa pelikula at sa serye niya sa TV5 na Never Say Goodbye gayong may isyung biglang pumutok sa kanila ni Sunshine?

Pag-amin ni Buboy, “Mahirap, mahirap talaga. It’s a very tough task. An’daming ginagawa, eh. So, nagka-patung-patong.”

Dito na nagpaliwanag si Cesar tungkol sa isyu sa pagitan nila ng starlet na si Krista Miller.

Aniya, “Hindi ko alam kasi hindi ako naggagano’n, eh. An’dami kong pangalan sa Twitter pero hindi akin ‘yon. Binabalita lang sa akin ng staff ko. Sabi ko, huwag ninyo muna akong balitaan ng ganyan. Naaapektuhan ang trabaho ko, eh.”

Paliwanag pa niya, “Medyo talaga natagalan bago ako nakasagot sa iyo. Sabi ko, my friend, may time para riyan kaya ‘eto na ‘yon.”

Sunod na kinumusta kay Cesar ang relasyon nito sa tatalong anak na babae nila ni Shine at sa binata nitong si Diego na anak naman ni tokay Teresa Loyzaga.

Masaya niyang banggit, “We’re okay. Kapag nag-uusap kami, gusto nilang mag-artista.”

Kasunod na tanong sa kanya, “May mga tinatanong ba sila sa iyo na hindi mo masasagot kasi they’re at the age na?”

Paliwanag ni Buboy, “But I need to answer them. Lahat naman ng tanong nila, sinasagot ko naman, eh. I’m very candid with my children. Transparent ako sa kanila kasi gusto kong gano’n din sila sa akin.”

Tungkol naman sa anak niyang si Diego na pansamantalang tumigil sa showbiz, magbabalik-limelight naman daw ito after nitong mag-aral. Aniya, “Pagkatapos niya ng high school, graduating na siya ng high school, itutuloy niya raw ang showbiz niya ‘pag college na siya. Sabi ko, tingnan ko nga.”

My ipinakilala na ba si Diego sa kanya na girlfriend nito? Saad niya, “Meron siyang ipinapakilala sa akin pero siyempre, pribadong buhay niya. Sabi ko, okey lang ‘yan. Inspirasyon ‘yan. Magaganda ang ipinapakilala niya sa akin. Mababait and very educated.”

 

HAPPY KAMI para kay Sarah Geronimo, huh, kasi zero lovelife man ito at parang dalawang beses ng nabigo – una kay Rayver Cruz at pangalawa kay Gerald Anderson – tila mas maganda naman ang nangyayari sa career nito. Bukod kasi sa nalalapit na pagsisimula ng The Voice of The Philippines, may isang drama anthology at sitcom pa raw siyang gagawin bukod pa sa third installment ng movie nila ni John Lloyd Cruz.

Ngayon, magandang ba-lita naman, si Sarah ay nominado sa 2013 Nickelodeon Kid’s Choice Awards (KCA) sa Favorite Asian Act Category. Kasama niya na nominated sa nasabing kategorya ay sina Han Geng (China), Psy (Korea) at Shila Amzah (Malaysia).

Help natin si Sarah, mga dear readers, ha? Kasi nagsimula na ang botohan noong February 14. Para iboto si Sarah, mag-log on lamang sa http://kca.nick-asia.com/vote.

 Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

4 thoughts on “Pops fernandez, inuulan ng manliligaw?!

  1. Sabi nga ni martin noong tinanung di ko na sya makaya ang mahal mahal na sabay tawa.Ha hahah palagay ko kapag nagsasalita si pops di gumagalaw ang pisngi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.