Pops Fernandez escapes to Bohol with Gretchen and BB

The Pillar
by Pilar Mateo

DAHIL DIUMANO NURSING a broken heart ngayon ang singer-actress na si Pops Fernandez, at naihinga na nga nitong lahat sa SNN (Showbiz News Ngayon) sa host na si Boy Abunda ang mga kailangan niyang sabihin hinggil sa paghihiwalay ng landas nila ng kanyang boyfriend na si Jomari Yllana, niyaya nito ang mga bosom friends niya para mag-unwind at re-charge sa Boracay.

Kaya, ayon sa aking mole, isinama nito sa nasabing isla ang dalawa sa kanyang magagandang mga friendship – in the persons of Gretchen Barretto and BB Gandanghari! Ilang araw rin daw na nagpahinga roon si Pops kasama ang kanyang mga kaibigan.

Here’s the catch: sa kabila ng dalawang magagandang artista ang bumaba sa paliparan ng Aklan, sa tingin niyo ba eh, sila ang pinagkaguluhan ng mga tagaroon? Sorry! Si BB pa rin ang wagi!

THE CONCERT KING Martin Nievera quipped to a question posed at him kung ano ang masasabi nito sa pagpo-produce ni Jomari Yllana at ng kanyang Fearless Productions ng concert ng dalawang David (Archuleta and Cook) ng American Idols. Say raw ni Martin, “He can have the two Davids, but not Goliath!”

Sa mga nagbabasa ng Bibliya, sabi ng isang miron, alam natin na isang David ang gumupo sa isang Goliath. Tama o mali?

FRESH FROM HIS stints sa Amerika (San Francisco, Las Vegas, San Diego, Chicago, Washington, DC, Los Angeles and Oxnard) with Rufa Mae Quinto and K Brosas, dumalaw sa Klownz-Quezon Ave. ang impersonator ni Manny Pacquiao na si Pooh.

Kagagaling lang daw niya sa nagda-dry run na niyang salon, kung saan kasosyo niya ang kaibigang si Pokwang, ang Salon De Pooh*Kwang, nila na nasa West Ave.

Tinanong ko ang komikero kung bakit ang pagbubukas ng isang salon ang napili niyang investment sa panahong ito, matapos ‘yung business niya sa pagde-deliver ng bigas?

Simple lang ang sagot ni Pooh, “Eh, hindi naman kami magaganda, ‘di ba? Baka naman makatulong ito sa kung anumang magic at kung gaganda kami, eh para maniwala ang mga tao sa amin, para mas pumasok ang maraming kliyente. Joke!”

In fairness kay Pooh, palitan daw sila ni Pokey sa pagiging hands-on sa kanilang business. Ngayong siya naman ang nakauwi na mula sa stints niya abroad, si Pokey naman ang lumayas. At noong nasa US daw si Pooh, may nakilala siyang Pinay na may-ari ng salon sa Chigaco, si Cherry at dalawang araw raw siyang nag-aral ng libre ng paghe-hair extension at pagkukulay ng hair, na siya niya agad na itinuro sa kanyang mga tauhan.

Doon na rin daw siya namili ng mga gamot sa buhok na mas mura kung ikukumpara sa presyo nito rito. Ipinakita sa amin ni Pooh ang design na napagkasunduan nila ni Pokey sa kanilang salon. Red daw ang paborito ni Pokey at itim naman siya. At ‘yun ang ginawa nilang accents sa white background ng nasabing salon.

Open daw ito for franchising. Kaya, visit them na habang dry run pa lang at nang matikman na raw ang maipagmamalaki nilang serbisyo sa pagpapaganda.

KAPIROT NA PAKI ng Pambansang Ilong ng Pilipinas na si Allan K. para sa Knights Band ng kanyang Kuya Jun Quilantang, na miyembro ng pamosong banda mula Bacolod.

Mamayang gabi, silipin sila sa pagba-back-up nila sa “One Night Stand” nina Wally at Jose kasama si Bangs Garcia sa Zirkoh (Greenhills).

Proud na proud siyempre si AK sa bandang buma-backup sa dalawang komedyante sa lahat ng gigs nila sa Klownz at Zirkoh and very soon, fly rin sila sa US to do a show with Pauleen Luna. The members of the band aside from Kuya Jun are Rickson Ruiz, Joelle Picache and Richard Ramos.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.