Pops Fernandez, ayaw maka-duet si Jomari Yllana – Gorgy’s Park

HINAHAMON NG BOHOLANANG si  Rich Asuncion ang sino mang makapagpapalabas ng pruweba na pumunta siya ng Bohol nu’ng nagso-shooting doon sina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

May lumabas na blind item pero obvious namang si Rich itong tinutukoy na patago raw itong umuwi ng Bohol pero hindi naman dahil nasa bahay nila siya.

Nag-check in daw ito sa isang resort at doon na lang daw sila nagkita ni Aljur.

Kahit malakas ang loveteam nina Aljur at Kris, at meron pang anggulong nagkakamabutihan na ang dalawa, tuloy pa rin naman daw ang relasyong Aljur at Rich.

Kaya hindi na nakapagtatakang sumunod doon si Rich para magkita sila ng young actor.

Ang nakakaloka lang sa balitang ito (kung totoo man), bakit hindi man lang daw dumaan itong si Rich sa bahay niya para madalaw man lang ang pamilya niya.

Overnight lang siya doon para magkita lang daw sila sandali ni Aljur, ngunit mariing itinatanggi ito ni Rich.

“May pruweba ba sila? Gawa-gawa lang nila iyun pero wala naman silang pruweba. Hindi po totoo iyun,” walang kagatul-gatol na pagtanggi ni Rich.

Matagal na nga raw siyang hindi nakakauwi ng Bohol dahil madalas naman ay siya ang dinadalaw ng pamilya niya. Kaya huwag na raw sana silang gawan ng ganu’ng intriga.

Malakas ang loob ni Rich na maghamon na maglabas ng pruweba na pinuntahan niya si Ajur sa Bohol. Baka mamaya may lumabas na makapagpapatunay na totong pumunta nga ito ng Bohol.

Di ba ang nag-drive daw sa kanya mismo ang nagkuwento nito?

PUNUNG-PUNO ANG  STUDIO 7 ng GMA- 7 nu’ng nakaraang Linggo dahil sa finals ng Are You the Next Big Star?.

Wagi sa singing contest na ito sina Frencheska Farr at Geoff Taylor.

Sa simula pa lang ng kompetisyong ito ay nakitaan na namin ng potential si Frencheska na may potential maging big star kaya hanggang sa huli ay nasa kanya ang boto namin.

Talunan naman sa Pinoy Dream Academy itong taga-Cagayan Valley na si Geoff pero malaki ang na-improve nito kaya lumutang siya pagdating sa Are You The Next Big Star?.

Muntik na nga itong napasama sa isang sexy all-male group kaya may mga sexy pictorial na ito, pero nang makapasok siya sa Circle of 16 nito, naudlot ang pagsali niya at mabuti na lang wagi itong si Geoff.

In fairness, mukhang star itong mga winner at kahit ang iba pang mga natalo. Sana may magagawa nga ang GMA-7 para maging star sila.

Pagkatapos nitong Are You The Next Big Star?, ang papalit naman ay ang Celebrity Duets na kung saan isa sa mga contenders ay si Jomari Yllana.

Kaya tinanong namin si Pops Fernandez na isa sa mga hurado sa AYTNBS? kung okay lang ba sa kanya na maka-duet doon ang dating boyfriend?

“Pag-iisipan ko pa,” mabilis niyang sagot. Marami raw siyang kaibigan na kasali sa Celebrity Duets kaya hindi nito masagot kung type ba niyang maka-duet si Jomari.

By Gorgy’s Park

loading...

6 thoughts on “Pops Fernandez, ayaw maka-duet si Jomari Yllana – Gorgy’s Park

  1. magpapagamit ka na naman. tapos pag tapos na e basta iiwan ka na naman ulit…. e madala ka naman sana POPS? btw, kasama ba ni Katrina ang mga anak nyo ni Martin sa Las Vegas? doon ba sila nakatira sa kanya?

  2. Nang nag concert si Pops at Regine dito a fan gave Regine 100 dollars ng humingi rin si Pops binigyan siya ng 20 dollars.Kakahiya maski 5 dollars diko bibigyan yan.Sa pangit ng boses.Ewan ko ba at tinawag na concert queen yan eh mas magaling pa ang mga tao sa karaoke bars sa probinsiya

Leave a Reply

Your email address will not be published.