Pope Francis, Bagong Santo Papa

ILANG ORAS matapos na maihalal ang bagong Santo Papa, agad na nag-anunsyo ang Vatican sa magiging iskedyul sa darating na mga araw ni Pope Francis.

Kabilang sa nakahanay sa kanyang aktibidad ay para sa selebrasyon ng misa na gagawin sa Sistene Chapel, alas-5:00 ng hapon ngayong araw ng Biyernes (12 midnight oras sa Pilipinas).

Pagkatapos nito, inaasahang bibisita ang bagong Santo Papa sa Santa Maria Maggiore para magdasal sa Mahal na Birhen at humingi ng basbas para sa kanyang buong panunungkulan bilang lider ng 1.2 bilyong miyembro ng Simbahang Katolika sa buong mundo.

Sa araw ng Sabado, dakong alas-6:00 ng gabi, opisyal niyang tatanggapin ang lahat ng mga cardinal upang tanggapin ang kanilang ang mga pagbati na naging bahagi ng College of Cardinal na bumoto sa kanya at maging ang mga cardinal na mahigit sa 80-anyos.

Sa Linggo naman, ang Santo Papa ay haharap sa mga mamamahayag sa Paul VI Hall.

Sa Lunes (Linggo sa Vatican) ay siya na ang mangu-nguna sa Angelus sa St. Peter’s Square na ilang linggo na ring hindi ginagawa mula nang mag-resign si Pope Emeritus Benedict XVI.

Ang inagurasyon ni Pope Francis bilang Bishop of Rome ay gagawin sa Miyerkules na nagkataon namang pista ni Saint Joseph.

Samantala, ang malaking aktibidad na ito ay gagawin sa St. Peter’s Square.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.