‘Poor Yolanda relief effort’
PNoy, kakasuhan

NAKATAKDA UMANONG magsampa ng kaso ang grupo ng mga “Yolanda” survivor laban sa Administrasyong Aquino, hinggil sa sinasabing kapabayaan nito para matulungan ang mga biktima ng nasabing bagyo.

Base sa kalatas ng grupong Tindog People’s Network, hayagang inakusahan ng mga survivor at pamilya ng mga nasawi sa kalamidad si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aguino III sa anila’y “criminal neglect” dahilan sa pagkasawi nang libu-libong mga biktima.

Binanggit din ng grupo ang anila’y “poor disaster preparedness, rescue, relief and rehabilitation efforts” ng gobyerno.

“After 100 days, we continue to find and count our dead, the wounded and the thousands displaced by the disaster. It is depressing to learn that after 100 days, the government is still unable to reach out to all typhoon-affected communities. Aid is arriving in trickles and basic services are still non-existent in many villages,” pahayag ni Mark Louie Aquino, tagapagsalita ng grupo.

Ngayong araw, nakatakda umanong mag-martsa ang nasabing grupo sa Mendiola, Maynila para iparating kay PNoy ang kanilang “demand letter”.

“Instead of focusing in sincere moves to end poverty in areas that are hardly affected by Yolanda, it seems that the Aquino government is focusing more on how to push its anti-people agenda in their rehabilitation programs including privatization schemes on their ‘no-build zone’ policies in Tacloban, corruption-ridden projects as the alleged overpriced and substandard bunkhouses for the victims, among others”.

Una rito, aminado rin ang Palasyo na hindi talaga madaling maiparamdam sa lahat ng biktima ng kalamidad ang kinakailangang tulong.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, tinitiyak naman nilang kumikilos ang lahat ng ahensya ng pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng bagyong Yolanda gaya ng bunkhouses.

Sinabi pa ni Valte na ipagpapatuloy lamang nila ang trabaho sa kabila ng mga tinatanggap na pagpuna at batikos sa mabagal na pagkilos.

Una nang inihayag ng Malacañang na bukas sila sa anumang pagsisiyasat sa mga bumahang tulong mula sa international community.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.