Pondohan sa Navotas, Nangamoy

NAGING MABAHO ang amoy ng pondohan sa market 3, 4, at 5 dahil umano sa matumal na bentahan ng iba’t ibang uri ng isda sanhi ng pagtaas ng lebel ng tubig-baha dulot ng high tide sa loob ng Navotas Fisheries Development Authority (NFDA).

Halos karamihan sa mga bumibili ng isda sa nasabing lugar ay hindi makapasok para mamakyaw ng iba’t ibang uri ng isda sa dahilang abot-binti na ang tubig-baha na amoy malansa at mabaho.

Ang kapaligiran ng naturang pondohan ay nagkalat ang mga basura upang magbara ang mga ito sa nakapaligid na daluyan ng tubig-baha na tanging dahilan para maging waterworld ang loob ng fish port.

Ayon kay NFDA Port Engineer Romy Dabu, halos isang linggo na ngayon laging tanawin ang loob ng pondohan sa tuwing may high tide.

Kahapon ay umabot sa 1.8 ang lalim ng tubig-baha at ngayon ay umabot na ito sa 2.0 ang lebel ng tubig na hindi na kayang puntahan ng mga nagnenegosyo ng isda.

Dahil dito, nagpiyesta naman ang mga namama-sada ng tricycle at pedicab dahil lubhang malaki ang kanilang sinisingil sa pasahe sa kanilang mga pasahero kung saan ay umaabot sa halagang P20/30 bawat isang tao.

Sinabi pa ni Dabu, ang loob ng nasabing pondohan ay nakatakdang umanong i-renovate at gagastusan ito ng halagang P7 billion upang maging kaaya-aya at hind na maging perhuwisyo sa mga nagnenegosyo ng isda at iba pang mga business establishment sa loob ng nasabing pondohan.

(ROMAN MAGPOC) 

 

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.