Pondo sa Informal Settlers, Sapat; Foreign Funds ‘Di Kailangan

HINDI NA kailangan ng gob-yerno ang “foreign funds” upang pondohan ang paglilikas sa mga mga informal settlers na nakatira sa mga estero sa Metro Manila.

Sinabi ni DILG Sec. Mar Roxas sapat ang pondo ng pamahalaang Aquino upang mailipat sa mas ligtas na lugar ang unang batch na 20,000 informal settlers.

Lumalabas sa pag-aaral ng DPWH at MMDA tinatayang nasa 60,000 ang mga informal setters na nakatira sa mga tinaguriang danger zones sa buong Metro Manila.

Ayon sa kalihim, mayroong 5,000 housing units ang ginawa ngayon ng National Housing Authority (NHA) off site habang 5,000 units naman sa in city.

Pagtitiyak ng kalihim na sa loob ng isang taon makukompleto na ang paglipat sa mga informal settlers sa ligtas at maaliwalas na lugar.

Inihayag ng kalihim na nasa P10 bilyong pondo ang inilaan ng Administrasyong Aquino bawat taon para sa relokasyon ng mga informal settlers kasama na ang paghahanap ng solusyon sa baha.

Samantala, sa kabuuan nasa P40 bilyon ang inilaan ng pamahalaan para sa naturang programa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.