Pondo ng CCT Program, ‘Di Gagamitin sa Eleksyon

TINIYAK NG Palasyo na hindi magagamit sa paparating na 2013 midterm elections ang pondo ng conditional cash transfer (CCT) program.

Ito ang pahayag ng Malacañang sa plano ni House Minority Leader Danilo Suarez na maghain ng resolusyon sa Kamara para sa maagang pagpapalabas ng nasabing pondo upang maiwasang magamit sa eleksyon. Nais ni Suarez na mai-release na ang pondo 90 araw bago ang 2013 polls.

Sinabi ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda na layon ng CCT na tulungan ang mga mahihirap na pamilya sa bansa. Kaya walang dapat ipangamba si Suarez na magagamit ang pondo nito na hindi naman political tool.

“The CCT is our commitment to poverty alleviation. The program is meant to break the cycle of poverty. Cong. Suarez has nothing to fear from CCT. Why is he against a program that is meant to help the poorest of the poor? Cong. Suarez should trust the statement of Sec. Dinky Soliman that it will not be used for political ends,” ani Lacierda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.