Polo Ravales, non-showbiz ang ipinalit kay Krissa Mae Arrieta!

HINDI NA AKO nakaiwas nang tumawag sa akin si Dra. Vicki Belo nu’ng nakaraang birthday ko last Thursday dahil kasama pala niya nu’n si Hayden Kho, na ka-birthday ko rin.

Ipinasa ni Vicki kay Hayden ang telepono at pinakausap sa akin para batiin daw ako at batiin ko na rin siya. Naku! Nagsu-sorry sa akin. Huwag na raw akong magalit sa kanya. Intindihin ko na rin daw ang Mommy niya dahil siyempre gusto lang daw siyang ipagtanggol kaya sana raw peace na kami.

Siyempre, sinabi ko naman sa kanya na hindi ako nagagalit sa kanya. Nagagalit ako sa ginawa niya sa mga kababaihan lalo na kina Katrina Halili at Maricar Reyes at dapat na panagutan niya ‘yun.

Sorry nang sorry pa rin sa akin. Friends na raw kami. Kaya tinilian ko na lang siya na tigilan na ‘yan at friends na nga kami, huwag na lang niya ako i-video, ‘no! Natigilan tuloy ang hitad!

Kaya hindi na nga nila maitanggi ‘yung lumabas dito na mga pictures nila na kuha sa isang fastfood sa Los Angeles, dahil talagang magkasama na nga sila para roon i-celebrate ang birthday ni Hayden.

Ang pagkakaalam ko, pagkagaling doon sa LA, tuloy na sila sa Paris para ituloy ang bakasyon nila roon kasama pa ang bestfriend nilang si DJ Mo Twister.

Ang dinig ko sa usap-usapan nila, babalik sila rito sa June 1 at meron silang inihandang birthday party para kay Hayden kinagabihan. Bongga, ‘di ba?

Habang nag-i-enjoy naman si Hayden sa abroad, muntik-muntikan naman ang Mommy niyang si Irene Kho na makulong dahil sa kasong Libel na isinampa ni Katrina laban sa kanya. Mabuti na lang at nakapagpiyansa na sila kaya hindi naman ito natuloy sa kulungan.

Ayaw na ni Katrina na mag-comment tungkol dito. Mabuti na lang daw na ang abogado niya ang magsalita kapag tungkol sa kaso.

MAY BAGO NA naman palang girlfriend si Polo Ravales pero non-showbiz na ito.

Ang dinig ko du’n sa Startalk reporter naming nakakuha ng litrato sa kanila sa opening ng painting exhibit nina Reb Belleza at Popo San Pascual sa Rave Gallery ni Manny Valera, ilang buwan pa lang daw sila nitong non-showbiz girlfriend niyang Shasta ang name.

Medyo mahiyain ang girl, kaya hindi ito nagpa-interview. Pero ang sabi ni Polo, mabuti na raw ‘yung non-showbiz para hindi na magulo at walang intriga.

Tapos na raw siya sa phase ng buhay niyang maintriga dahil madalas ay sa celebrity siya nali-link. Mabuti na raw ‘yung tahimik at hindi na gaanong pinag-uusapan para walang intriga at hindi magugulo ang lovelife niya.

I’m sure ayaw nang mag-react ni Krissa Mae Arieta dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nililinaw ‘yang isyung nautangan daw siya ni Polo noon na pati mga alahas daw nito ay hindi pa raw naibalik sa kanya nang hiniram ito ng aktor para sa Mommy niya?

Naku ha! Dapat ngang sagutin pa rin ni Polo iyan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Polo Ravales, non-showbiz ang ipinalit kay Krissa Mae Arrieta!

  1. Bumigay si Lolit “Pera” Solis. Magkano ang promesa sa iyo ni Belo? NABIBILI KA RIN DAHIL GUTOM KA NA, LOLIT SOLIS. WALA KANG PRINSIPYO. . .

  2. LOLITA HUWAG KA NG MAGSULAT TUNGKOL SA MGA LAOS TULAD NI POLO DRA BELO IYANG RETOKADO MONG MUKHA HALOS MAPUPUNIT NA MUKHA KANG CHUWAWA.DI KA MAHAL NI HAYDEN KINUKWARTAHAN KA LANG NON

  3. HUWAG NINYO AKONG HUSGAHAN KUNG BAKLA AKO AT UMIIBIG KAY JAMES YAP KAYA IKAW LOVE IT HUWAG KA NG MAGPADALA NG MGA HUBAD MONG PICTURES SA AKIN DI KITA TYPE PANGET MO GAGAH

Leave a Reply

Your email address will not be published.