Polo Ravales, muntik nang malumpo

Polo-RavalesAKALA NI Polo Ravales malulumpo na siya dahil masyadong delikado ang naging operasyon niya sa spinal cord.

“Thankful ako sa lahat ng mga nagdasal sa akin, lalo na ang suporta ng mga kaibigan at pamilya ko. Sila ang nagpalakas ng loob ko dahil takot na takot talaga ako sa magiging operasyon ko. Akala ko talaga na hindi na ako makapaglalakad.

“Ngayon, okey na ang pakiramdam ko, salamat sa Diyos at sa dasal ninyo. Nakapagdyi-gym na rin ako kahit papaano. Pero kailangang mag-ingat pa rin ako. Hindi ako puwedeng masyadong mapagod. Maingat na ako ngayon sa sarili ko,” kuwento ni Polo.

Pero kasabay ng pagbuti ng kalagayan ni Polo ay kalungkutan naman sa puso ang naging kapalit, dahil nagbreak na sila ng kanyang girlfriend na five years din ang itinagal.

Ayaw nang ungkatin pa ni Polo ang naging dahilan ng hiwalayan nila ng girlfriend. Naniniwala siya na may dahilan ang Diyos kung bakit sila naghiwalay ng non-showbiz girlfriend. Nasabi na lang ni Polo, “Some good things never last.”

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.