Polo Ravales is still affected by ‘bilmoko’ issue

NAGING MARAMOT SI Mommy Eva Cariño Padilla sa pagbibigay-komento sa pagkakahuli kay Royette Padilla na noong una ay naimbitahan sa Station 4 sa Angeles City, dahil sa reklamo ng asawang si Jane Dayrit sa diumano pambubugbog nito matapos na sila ay magtalo sa isang bar.

Dapat sana, tapos na ang kaso dahil hindi na naman ganu’n kalaki ang isyung physical injuries dahil bailable ito. Pero dahil sa kasong  Attempted  Homicide  ilang taon na ang nakakaraan ay natulog sa City Jail ang nakatatandang kapatid ni Robin Padilla.

Simple at tipid ang mga salitang pinakawalan ni Royette na sa kabuuan ay nagsabi itong bahala na raw ang kanyang abugado sa kanyang kaso.

Nagpiyansa si Royette ng P24,000 para sa kasong Attempted Homicide, kung saan sa July 22 ang unang hearing sa tanggapan ni Hon. Ofelia Tuazon Pintho.

Maging si Robin Padilla ay tipid din ang ginawang pagbibigay-pahayag kaugnay sa kasong kinakaharap ng kanyang kapatid. Ayon kay Robin, hayaan na lang daw sa kanilang pamilya ang usapan at huwag na itong palakihin pa.

 

INAMIN NI POLO Ravales na hanggang ngayon ay apektado pa rin siya sa isyung ‘bilmoko’ siya, kung saan ay mahilig itong magpabili ng mga mamahaling bagay sa mga nagiging girlfriend.

Ayon kay Polo, hindi niya itinatanggi na may mga regalo siyang natatanggap mula sa kanyang mga naging girlfriend, pero hindi raw siya nagpabili at kusa raw ibinibigay iyon sa kanya at tinatanggap niya.

Ang usap-usapan ang tunay na dahilan kung bakit nanlamig noon si Jean Garcia sa relasyon nila ni Polo, dahil feeling nito ay hinuhuthutan siya ng aktor.

“Hindi naman ako callboy para manghingi. May pera naman ako. Kumikita naman ako, bakit naman ako magpapabili ng mga kung anu-ano.” Mariing pagtanggi ng aktor.

Pero inamin ni Polo na may mga regalong ibinigay sa kanya si Jean, at nilinaw na hindi raw niya ito hiningi sa aktres, bagkus ay kusang ibinigay raw sa kanya iyon ni Jean noong mga panahong may relasyon pa sila.

Sa ngayon, may non-showbiz girlfriend si Polo. “Mas maganda na ‘yung ganito para iwas intriga, dahil siyempre nakakasakit talaga ng loob. Matagal na ang issue, pero apektado pa rin ako at ang pamilya namin. Kasi parang lumalabas noon na gold-digger ako at mahilig akong magpabili.”

In short, hindi raw bilmoko si Polo, ‘yun ang sabi niya.

 

SINABI NI BUBBLES Paraiso na mas naniniwala siya kay Marian Rivera over Heart Evangelista. “Actaully friend ko rin si Heart, pero mas naniniwala ako kay Marian kesa kay Heart. Sad to say, pero ‘yun ang totoo,” tuluy-tuloy na panimula ni Bubbles nang makausap namin ito sa isang men’s magazine opening.

Ayon kay Bubbles, hindi naman daw sila ganu’n ka-close ni Heart, pero sa away na namamagitan kina Marian at Heart, malaki ang kanyang sampalataya na si Marian ang dehado sa laban dahil sa mga naglalabasang balita na wala namang katotohanan.

Samantala, noong araw na iyon, katabi ni Bubbles ang kanyang kuya na si Paolo Paraiso na nagsabi rin sa amin na mas okey daw ang relasyon nila ni Mylene Dizon.

“No, hindi totoong sinasaktan ko si Mylene. Hindi ko siya binubugbog,” sagot ni Paolo sa balitang sinasaktan daw niya physically si Mylene noong mga panahong nagsasama pa sila sa iisang bubong.

“Si Mylene? Bubugbugin ko? Baka ako ang binubugbog niya?” balik-tanong sa amin ng aming kausap na nagsabi pang wala na siyang balak pang dagdagan ang dalawang anak nila ni Mylene.

“Nakakahiya naman yata kung madagdagan pa ang anak namin, gayu’ng alam ng lahat na magkaibigan lang kami,” masayang pag-wawakas ng aming kausap.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

5 thoughts on “Polo Ravales is still affected by ‘bilmoko’ issue

  1. Pansin ko nga, si Bubbles, laging nakabuntot. Di ba BFF siya ni Angel Locsin at miyembro sila nang ampalaya anonymous ? Ityong grupong twitter ng twitter at maraming nakaaway ?

  2. Maiba naman commemt ko, yang c bubbles paraiso isnabera ingratata. one time na sa bazzar kmi sa world train center sa pasay, ala ang malantod akala mo kung sino makatingin!!! buwisit pero pag sa tv pagkabait bait, Ipokrita yang payatot na bubbles na yan pweh!! Isa pa tong c ruffa mae, nakita namin sa concert ni rihanna sa the fort ala ang matanda ayaw mgpapicture sasister ko kung di lng sinabihan ni Angelu de Leon na “uy papicture daw’ ang matandang matrona inisnab ang sis ko, Tsaka mgbihis ka nga ng matino Ruffa mae, matanda kana yang peke mong suso wa epek na yan pokpokita ka!!!

  3. 24,000 pesos lang pala ang bail for homicide sa atin, kaya ang mga Padilla, walang pake kung makapanakit , mambugbog o pumatay. Sana naman matuloy ang kaso against this Royette person. Tikom ang bibig nang mommy nilang kiunsintidor. Si Robin ba ang nag-bail sa kapatid ? Hindi ko maintindihan kung bakit sinusuportahan pa ang mga ito, ‘ FAMILY OF THRASH” MGA LALAKE NANG pADILLA, WALANG BA———–YG. BABAE LANG ANG KAYA NILANG BUGBUGIN. WALANG GALANG SA BABAE. WIFE BEATERS. SI ROBIN NAMAN, NAGTATAGO SA MUSLIM FAITH PARA MAKAPAG PRACTICE NANG POLYGAMY, MARAMING ASAWA. . . .

  4. ang mga starlet na tulad ni Bubbles nakikisakay sa isyu ng isa pang starlet na si marian at ung almost famous na si heart , no wonder hindi sumikat2 ang mga GMA stars kasi puro kacheapan na issue ang pinapatulan.

  5. buti nmn tama na ang spelling ng “vailable” mo ngaun….
    at in fainess si polo tlg ang nasa picture at ndi mukha ng kung sino-sino..
    good job ka ngaun!

Leave a Reply

Your email address will not be published.